• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez shares how she’s preparing for the biggest role in her career

Sylvia Sanchez shares how she’s preparing for the biggest role in her career

The actress says she will be playing a woman suffering from Alzheimer’s disease.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/11/2016 2:30 AM
Sylvia Sanchez shares how she’s preparing for the biggest role in her career


071116-SylviaSanchez_PUSH.jpgUmani ng positibong comments ang teasers ng inaabangang teleserye ng ABS-CBN na The Greatest Love kung saan lead stars sina Andi Eigenmann, Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans at Sylvia Sanchez sa kanyang biggest break bilang isang aktres. 

Naikuwento ni Sylvia na kina-career niya ang bawat eksena para sulit na sulit sa mga manonood nito. 

"Sa mga nagdaan kong soaps ok lang ako, medyo-medyo relax pero ngayon hindi ako pwede mag-relax kasi teaser pa nga kang lumabas andami namin nakuha mga papuri which is nakaka pressure talaga," paliwanag ng aktres.

Isang nanay na mayroong Alzheimer’s disease ang papel na gagampanan ni Sylvia kayat kinailangan niya aralin ang mga pasyente na may ganitong karamdaman. 

“Ako mismo nagpupunta doon sa may mga Alzheimer’s, yung mannerism, ano yung mata niya, basta kung ano siya kapag umaatake yung ganun klase sakit," sabi pa ni Sylvia. 

Lagpas dalawang dekada na si Sylvia sa showbiz at nagpapasalamat daw siya sa sunod-sunod na blessings sa kanyang career ngayon. 

"Kung kailan ako nagkaka-edad tsaka naging ang ganda ng career, noong una ang sexy ko, waley. Ngayong lumaki ako, eto tuloy-tuloy... In His time," masayang sambit pa ni Sylvia.  

Magsisimula mapanood ang The Greatest Love sa July18.