• Home
  • Fresh Scoops
  • Multi-awarded actors John Arcilla, Ricky Davao, Michael Williams, Nonie Buencamino and Robert Sena lead the star-studded cast of “DOM: Dirty Old Musical.”

“Best Actors” lead stars in “DOM: Dirty Old Musical”

Multi-awarded actors John Arcilla, Ricky Davao, Michael Williams, Nonie Buencamino and Robert Sena lead the star-studded cast of “DOM: Dirty Old Musical.”

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/11/2016 02:23 AM
“Best Actors” lead stars in “DOM: Dirty Old Musical”
071116-DirtyOldMusical_PUSH.jpgNagbigay pa sample ang mahusay na lead cast ng DOM: Dirty Old Musical na kinabibilangan nina John Arcilla, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Robert Sena at Michael Williams ng musical numbers na aabangan sa kanilang latest project. 
Una nila itong pagsasama sa isang stage musical na tatalakay sa sikat na 80s boy band na "Bench Boys" na magre reunion concert sa present time.

 Kuwento ni John Arcilla, masisiyahan daw ang lahat ng age bracket sa kanilang stage musical.
 
"Makaka relate naman all ages eh, may kasama kami na younger actors, At may isang twist na mare-reveal towards the middle of the play," kwento ng aktor. 

 Tatalakayin din daw dito ang problema ng kalalakihan na nasa kanilang 50s ayon kay Robert Sena na siya rin nakaisip ng idea na ito para sa isang musical.

 "Well yung mga sakit na lumalabas na at a certain age kapag dumating ka na sa age na yun ‘di ba?" 

Suporta din daw ito sa OPM ayon kay Ricky Davao at humingi pa sila ng pahintulot sa mga composers ng kanta na kanilang gagamitin. 

"Ang music na gagamitin namin dito OPM. I don’t know kung nagawa na yun pero ang gagawin namin dito parang operetta, 80s music," paliwanag naman ni Ricky. 

Kahit lima silang mahuhusay na aktor at lead roles lahat, hindi naman daw problema ang billing nila kung sino ang mauunang pangalan at sino ang nasa hulihan ayon kay John Arcilla. 

"Sa theater naman hindi pinag uusapan yun eh basta lahat kami pantay pantay." 

Mapapanood ang DOM: Dirty Old Musical sa Music Museum sa September 1, 2 at 3; at September 8, 9 at 10.