Soul siren Nina talks about motherhood

Nina says motherhood is more fulfilling than she first thought.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/1/2016 10:52 AM
Soul siren Nina talks about motherhood


070116-nina_main.jpgSa mini press conference para sa concert na Versions and Verses na magaganap sa Music Museum sa July 1, in the mood ang soul siren na si Nina na magkuwento sa kanyang bagong role bilang nanay. Mas inspired daw siya ngayon sa lahat ng kanyang ginagawa para sa kanyang baby. 

“Masarap siya. Hindi ko inaasahan na ganun pala siya kasarap. Mahirap ng bahagya yung start lalo na ang pagbuga mo sa kanya (laughs) nanganak ako ng normal, mas normal na ngayon ang buhay mas may direction may inspiration na lagi. Iba ang nagagampanan na role mo ngayon. Dati kakanta kang ako mapapasaya ko na ang mga tao ngayon kakanta ako para sa baby ko at para sa mga nanonood na sa akin."

Five months na ngayon ang kanyang anak na si Isabella Louise at binalikan ni Nina ang time na buntis pa siya at malapit na manganak sa kanyang panganay. "December kasi ako nagka-baby so October nagsu-show pa ako di lang siguro nahahalata. Andami nga nagtatanong ngayon na may baby na daw ba ako? Kung totoo nangananak ako? Ayun."

Kuntento at masaya daw ngayon si Nina lalo na at nagsisimula siya ng pamilya. Pero kung siya ang tatanungin, gusto nya pa muli mabuntis at magka anak. "One boy one girl pwede na sa akin basta normal sila masaya na ako."

Kasama rin ni Nina sa Versions and Verses concert si Joey Generoso na kakantahin ang classic love songs na most requested at walang kupas na paborito ng mga Pinoy.