• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap admits his real life experiences are a fit for ‘Mano Po 7’

Richard Yap admits his real life experiences are a fit for ‘Mano Po 7’

Richard Yap reveals how he went against the wishes of family for the sake of love.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/1/2016 11:01 AM
Richard Yap admits his real life experiences are a fit for ‘Mano Po 7’


070116-richard_main.jpgSabay winelcome ng mag-inang Roselle at Mother Lily si Richard na halatang tuwang-tuwa dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Regal para maging bida sa pelikula.

Sa question and answer during the contract signing ay naikuwento ni Richard ang tungkol sa pag-ayaw ng family niya nang pakasalan ang misis niya na isang Pinay. Tinanggal siya sa family business pero nang magkaroon ng anak na lalaki, nanumbalik ang pagmamahal ng magulang sa kanya.

“I’ve been very open about that. Nasabi ko na rin ‘yon before pero hindi lang masyado sigurong na-pick up. I think my experiences in the past would be a great help. I think that’s one of the inspirations that could guide me,” kuwento pa niya.

Dumaan din daw siya sa tinatawag na fixed marriage sa kapwa niya Chinese.

“Gusto ng tatay ko na ipakasal ako noon sa isang Chinese, kaya lang, matigas talaga ang ulo ko. Hindi ako sumunod. Kaya hindi talaga ako naging favorite niya,” sabi pa niya.

“I think you really have to stick up kung sino ang gusto mong pakasalan. So I chose to go who I wanted to marry. Sabi nga ng dad ko, ‘Ito na ang pakasalan mo.’ ‘Eh, araw-araw ko nang kasama ‘yan. Gusto mo ikaw na lang (pakasal)!’” dagdag niyang pahayag na natatawa.

Ngayon pa lang ay inamin na ni Richard na may pressure on his part ang MMFF movie ng Regal dahil sa kanya nakasentro ang istorya ng Mano Po 7.

“Of course, there’s pressure on doing this kasi ako ang maging sentro ng character ng movie. Gusto ko rin naman kasing magtuluy-tuloy ang success ng franchise ng Mano Po. There’s a little pressure so I will just do my best and hope that God will take care of the rest,” katwiran niya.

Ano kaya ang magiging chance sa box office ng Mano Po 7?

“Sa ngayon, hindi ko muna iniisip yan. Baka ma-affect ‘yung movie. I will just do my best and tingnan natin kung ano ang magiging come out nito. ‘Wag muna nating isipin ‘yon,” sagot ng actor.

Nang tanungin naming kung ano ang nag-convince sa kanya para pumirma sa Regal at tanggapin ang Mano Po 7, ang sabi niya, “I think it’s a combination of everything. Regal Films naman ‘yan. Pioneer in this movie industry. I think it’s also a good story for me.”

Gusto rin daw niyang gumawa ng isang full length drama kaya niya tinanggap ang Mano Po 7.

“Maiba naman. Try naman natin ang ibang genre. I think we need to do a lot of things. Hindi puwedeng mag-stick lang tayo sa rom-com. Magsasawa rin ang mga tao if you keep on doing the same thing over and over again! You have to show your versatility also.

“I think mas may… I have more experience now. Puwede na nating subukan. Hindi na ako ganoon kakaba as compared to dati! May highs and lows naman ang buhay ko,” sabi pa ni Richard,

Sa China magsusyuting ang cast ng Mano Po 7 at makakasama rin sa pelikula sina Jean Garcia at Janella Salvador.