• Home
  • Fresh Scoops
  • Pres. Rodrigo Duterte’s children are prepared to help their father

Inday Duterte is prepared to help the President as his First Lady

Pres. Rodrigo Duterte’s children are prepared to help their father

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/01/2016 10:45 AM
Inday Duterte is prepared to help the President as his First Lady
070116-sara_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa Bandila, handang tumulong ang mga anak at kapamilya ni President Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pamumuno sa bansa. 

Ani Sara Inday Duterte, handa siyang tumulong bilang First Lady. “Yes sir. Bahala na kung ano, hindi naman siguro kailangang lagyan ng label na First Lady. Kung ano yung kailangan na gawin, ready ako.”

Sabi naman ni Baste Duterte, handa siyang tumulong sa mga nangangailangan. Isusulong rin nila ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Paolo Duterte ang pangangalaga sa kalikasan. Hiling rin ni Paolo na, “patuloy po nating ipagdarasal na makamtan ng Pilipinas ang tunay na pagbabago.” 

Ang dating asawa naman ng Presidente na si Elizabeth Zimmerman ay tututukan ang pagtulong sa mga cancer patients. 

Ang common law wife ni President Rodrigo na si Honeylette ay itutuloy ang kanyang health advocacy at ang anak nila ng Presidente na si Kitty ay ipagpapatuloy ang pag-aaral sa Davao at hindi papasukin ang showbiz.