• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales turns emotional and angry in her statement against ex-boyfriend Cedric Lee

Vina Morales on Cedric Lee: ‘Lalabanan kita di ba, sobra na’

Vina Morales turns emotional and angry in her statement against ex-boyfriend Cedric Lee

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/09/2016 09:15 AM
Vina Morales on Cedric Lee: ‘Lalabanan kita di ba, sobra na’
060916-vina_main.jpgSa Tonight with Boy Abunda, nagbigay na ng pahayag si Vina Morales tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Cedric Lee, Tatay ng kanyang seven-year-old daughter na si Ceana. 

Nakaugat ang complaint sa paglabag diumano ni Cedric sa court-approved visitation agreement nila ni Vina. Last month kinuha daw ni Cedric si Ceana nang hindi nagpapaalam. 

Kwento ni Vina, “affected yung anak ko kasi in the middle of the night gigising, umiiyak.” 

Maging sa restaurant diumano na pinuntahan nila, kung saan dinadala rin ni Cedric ang bata, ayaw magpa-iwan ni Ceana kahit aalis lang ng saglit si Vina at sabi raw nito kay Vina, “Mommy don't leave me, Daddy might come here. He might take me.” Dagdag pa ni Vina, “maski yung mga ganung little things nakaka-trauma e.”

Ganunpaman, itutuloy pa rin diumano ang naunang napagkasunduang visitation rights ni Cedric. Ayon kay Vina, “But I hope sana nararamdaman ng korte yung fear ko, yung stress ko, and even yung anak ko ayaw ko na ma-stress.” 

Pagpapatuloy ng galit na si Vina, “nagkaroon na ng custody and all, ito pa ang ginawa niya sa amin. Ano pa bang sunod niyang gagawin sa amin? Anong sunod niyang evil plans na gagawin sa amin?” 

Emosyonal rin si Vina nang sabihing, “iniisip ko ilang years na yan, ilang taon niyo akong gustong interviewhin about Cedric, ayaw kong magsalita kasi tatay pa rin yan ng anak ko. Pero yung anak ko mismo ang magkakaroon ng trauma aba e lalaban ako, lalabanan kita di ba, sobra na.” 

Ayon sa report, handa raw sagutin ni Cedric ang baseless and malicious allegations ng kampo ni Vina sa korte.