• Home
  • Fresh Scoops
  • Upgrade boy group reveals that they did the video on the spot.

Upgrade boy group overwhelmed by netizens’ response to dance video

Upgrade boy group reveals that they did the video on the spot.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/09/2016 09:20 AM
Upgrade boy group overwhelmed by netizens’ response to dance video
060916-trumpets_main.jpgLagpas 4 million na ang combined views ng Trumpets Challenge dance video na version ng Upgrade na isa sa promising na all-male performing group sa ngayon. Binubuo ang grupo ng anim na members, sina Armand Bernas, Casey Martinez, Mark Baracael, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi at Ivan Lat.

Sa ating interview, nabanggit ni Casey na di nila inaasahan ang mainit na response sa kanilang dance video upload. "Magkakasama lang kami sa bahay ng isang co-member namin, nag chi-chill lang kami tapos may narinig kami na isang okay na music. Pinag-aralan namin tapos nag-ayos ng steps and nag-upload na agad ng video."

Dalawang practice lang daw ang kanilang ginawa bago mag-upload ng video na napapanood ngayon sa social media. Naging positive daw ang epekto nito sa kanilang grupo. Kuwento ni Armand, lagi na itong request sa kanilang mga shows. "Nakakatuwa nga po kasi hindi nawawala sa request sa amin ang Trumpets Challenge and dapat suot talaga namin ang pambahay na suot namin sa video kaya lagi namin dala ang suot namin that time."

Dahil nga sa viral ang dance video na ito ng Upgrade, mapapanood sila sa ASAP sa darating na linggo para sa isang special na musical number.