• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Laxa and Anthony Pangilinan recount scams committed by their Facebook poser.

Maricel Laxa’s poser on Facebook arrested

Maricel Laxa and Anthony Pangilinan recount scams committed by their Facebook poser.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/09/2016 09:18 AM
Maricel Laxa’s poser on Facebook arrested
060916-maricel_main.jpgSa Bandila, arestado sa isang entrapment operation ang 19 years old na si Myca Aranda. Gumawa siya ng fake Faceboook account ng celebrity na si Maricel Laxa at ginamit ito sa pangingikil ng pera.

Mga apat na taon nang alam nina Maricel at asawa nitong si Anthony Pangilinan na meron silang poser sa Facebook. Noong una fake account lang ni Maricel ang ginawa ni Myca, pero nang ‘di katagalan ay ginawan na rin nito ng fake accounts ang mga anak nila Maricel. Ninakaw din nito ang mga photos ng mag-anak at kinaibigan ang lahat ng kaibigan nila sa Facebook.

Ani Anthony, “mas lumala nitong mga nakaraaang buwan dahil may pera nang involved… whether passing load or asking for donations.” Kwento pa ni Anthony, “May lumapit sa aming siya raw ang kasintahan nung isang anak namin dahil anim na buwan silang online ng may relasyon, ni hindi man nakilala nung bata.”

Mayroong ding lumapit kay Maricel at nagsabing, “baka pwedeng humingi ng litrato ng Benguet foundation ninyo saka nung outreach.”

Ang ninang rin ng anak nila ay tumawag sa kanilang galit at sinabing, “Ang kulit kulit ng anak mo na humihingi ng pera sa akin.”

Nahuli si Myca sa entrapment operation nang kubrahin niya sa isang money remittance center ang 5,000 pesos na hiningi niya.

Sa ginawa raw ni Myca, naapektuhan ang reputasyon ng pamilya nina Maricel at Anthony at apekatdo rin pati mga anak nila.