• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, Dennis Trillo, and Paolo Ballesteros will work together for the first time.

Anne Curtis teams up with Dennis Trillo and Paolo Ballesteros for new romcom

Anne Curtis, Dennis Trillo, and Paolo Ballesteros will work together for the first time.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/08/2016 09:39 AM
Anne Curtis teams up with Dennis Trillo and Paolo Ballesteros for new romcom
060816-AnnePaoloDennis_PUSH.jpgNagkaroon ng story conference kahapon, June 7, sa Viva Communications office sa Ortigas para sa bagong pelikula ni Anne Curtis na may nakakatawang title na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend. Kasama dito ni Anne sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na pareho niyang first time makatrabaho.

Kuwento ni Anne, benta sa kanya ang tema ng pelikula kaya tanggap agad siya dito ng i-offer sa kanya. "Naku andami ko mga beki na kaibigan ang relate na relate sa kuwento nito kasi nga andami mga girls ngayon ang nai-in love sa mga gwapo yun pala may BF na."

Si Dennis naman na first time gagawa sa Viva matapos ang kanyang kontrata sa Regal, excited ng makatrabaho sina Anne at Paolo. "Bale sa story yung character ko ang tutuklasin nila Anne at Paolo kung bading ba ako o hindi. Yung ending nito kakaiba; dapat abangan nila."

Si Paolo naman na nakilala sa makeup transformation, biniro ni Anne kung kaya ba nya ito gayahin. Hirit ni Anne hindi naman daw nalalayo kay Angelina Jolie ang kanyang itsura na nagawa na rin noon ni Paolo. "Ngayon pa lang masaya na ang samahan namin kaya sigurado po na magiging magaan ang trabaho namin for the movie."

Pagtutulungan ng Viva Films at Idea First nina Perci Intalan at Jun Lana ang pelikula na magsisimulang mag-shooting sa July 16.