• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Dy says the song ‘Lahat’ is dedicated to a love of 25 years.

Jason Dy reveals the message of his PhilPop song ‘Lahat’

Jason Dy says the song ‘Lahat’ is dedicated to a love of 25 years.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/07/2016 08:49 AM
Jason Dy reveals the message of his PhilPop song ‘Lahat’
060716-jason_main.jpgIsa sa finalist ng 2016 PhilPop Song Fest ay ang kantang “Lahat” na isinulat ni Soc Villanueva. Kuwento ni Jason Dy na ito ang pangalawang competition na kanyang sinalihan matapos manalo sa second season ng The Voice of the Philippines. Matagal na daw magkakilala sina Jason at Soc pero ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na kantahin nya ang isa sa mga kanta na gawa nito.

"Ito po kasing pagsali namin sa PhilPop yung kasing songwriter si Soc Villanueva, matagal ko ng collaborator so ayun nakakatuwa kasi sa mga previous na PhilPop ako yung nagde-demo for him so finally ngayong taon ako na ang mag interpret ng kanta niya."

Simpleng kanta na may simpleng mensahe ang nais iparating ng kantang “Lahat.” Isinulat ito ng isang nagmamahal para sa kanyang asawa para sa kanilang ika-25 years ng pagmamahalan.

"Yung kanta ay may title na ‘Lahat’ written by Soc Villanueva. Isinulat nya po ito for his wife of 25 years; it’s a love song at sinasabi niya lang na siya na ang [nag-]kumpleto ng lahat para sa kanya."

Magaganap ang finals night ng PhilPop 2016 sa July 23 sa Kia Theater. Pero bago yan, magse-celebrate muna ng kanyang 26th birthday si Jason sa June 19 at malamang na isa sa kanyang wish ang manalo sa sing competition na sinalihan niya.