• Home
  • Fresh Scoops
  • ASAP Soul Sessions members KZ, Darryl and Jason share updates on their love lives.

TJ Monterde to KZ Tandingan: ‘Sana last (girlfriend) ko na siya’

ASAP Soul Sessions members KZ, Darryl and Jason share updates on their love lives.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/06/2016 09:50 AM
TJ Monterde to KZ Tandingan: ‘Sana last (girlfriend) ko na siya’
060616-TjMonterde_main.jpgNagbahagi ng updates sa kanilang mga love life sina ASAP Soul Sessions members Darryl Ong, Jason Dy at KZ Tandingan sa Gandang Gabi Vice. 

Makulay ang love life ni KZ na dinalaw pa ng boyfriend na si TJ Monterde sa GGV. Kinanta ni TJ kay KZ ang “Tulad Mo” ng live at ayon sa dalawa ay komposisyon talaga ni TJ ang kanta para kay KZ. Hiling daw ni TJ na “last girlfriend” na niya si KZ, na siya ring mensahe ng kanta. 

Sinabi naman ni Jason na “more than one year” na mula nang naghiwalay sila ng girlfriend. “Affected” pa rin siya diumano ng pangyayari dahil ayon kay Jason, “Alam mo kasi Vice nag-cheat kasi siya sa akin kaya masakit.” 

January lang nag-break naman si Darryl at ang kanyang girlfriend. Ayon kay Darryl, hindi na sila nagkikita ngayon ng kanyang ex at ayaw na rin niya itong makita. 

Hugot na hugot rin diumano si Darryl ng nirerecord niya ang kantang “Stay.” “Nung time na nirerecord namin ni Sir Jonathan (Manalo ng Star Music) yung “Stay,” may part talaga na naiiyak ako sa isang part ng song.”  

Paliwanag ni Darryl, “Yung time na yun tina-try ko mag-move on pero sinasabi ko hold on.” 

Kanta naman ng puso ngayon ni Darryl ay, “Maybe This Time.” “Kasi nagkasunod-sunod na hindi nagwo-workout yung relationship, so ngayon mas nagfo-focus ako sa career pero ini-enjoy ko rin itong taong ito na happy ako kapag kausap siya parang hanggang dun na lang muna.”