• Home
  • Fresh Scoops
  • The talent manager and radio host calls out Erin Ocampo for allegedly saying Michael Pangilinan is ‘such a user.

Jobert Sucaldito lashes out at Michael Pangilinan’s ex-girlfriend

The talent manager and radio host calls out Erin Ocampo for allegedly saying Michael Pangilinan is ‘such a user.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2016 09:45 AM
Jobert Sucaldito lashes out at Michael Pangilinan’s ex-girlfriend
060616-michael_main.jpgBinuweltahan ni Jobert Sucaldito, DZMM radio host, columnist at manager ni Michael Pangilinan ang post sa social media ni Erin Ocampo na ex-girlfriend ng singer actor na “user” ang binata. Si Erin ay miyembro ng It’s Showtime girl group na “Girltrends.” 

Nag-tweet di umano si Erin pagkatapos aminin ni Michael sa Tonight With Boy Abunda during the promo of his movie Pare Mahal MoRaw Ako na girlfriend na niya ang anak ni Gabby Concepcion na si Garie.


Ang  tweet ni Erin ay naglalaman ng: "Such a user. Kelan ka kaya magbabago?”  Ang sumunod na tweet niya ay: “My past is not that easy and I deserve to be loved and happy now." Binura na ni Erin ang naunang post as of this writing. 

060616-michael1.jpg

Ayon kay Jobert, wala nang relasyon sina Michael at ex-gf nito na may iba na ring boyfriend kaya hindi dapat nag-tweet at nagparinig ng ganu’n ang babae.

“Pinakikialaman ba siya ni Michael para maapektuhan siya? If she's not happy with her boyfriend now, huwag siyang mandamay sa kanyang misery, di ba? Pinipigilan ba ni Michael ang kaligayahan niya?

“Bakit siya nagalit kung may girlfriend na halimbawa si Michael? And to bitch by saying “such a user” teka lang. Dito  ako sobrang nagalit kasi lumagpas na siya sa borderline. This is such a strong phrase para sabihin mo of Michael – such a user.

“Sino ang ginamit ni Michael aber? Tell us. Don't give him that picture dahil kailanman, sa loob ng almost five years na pananatili ni Michael sa industriyang ito ay never siyang nanggamit ng tao. Not even you, if I may say.

“Papaano ka gagamitin ni Michael? People don't even know you. Nag-iisip ka ba, girl? May isip ka ba in the first place? Forgive my ranting pero I just want to give this girl a piece of my mind,” nanggagalaiti niyang pahayag.

Pinaghirapan daw ni Michael kung anumang meron siya ngayon.

“All these years ay nagtiyaga ang alaga ko to make a little name for himself as a singer -- he worked damn hard to make a little money and find a small seat sa music industry. The nerve for you to say that Michael is ‘such a user.’ Punyeta!” giit pa niya.

Palaban din si Jobert sa sinabi niyang hindi niya uurungan ang dalaga.

“Gustuhin ko mang magpakadisente pero hindi mo deserve ang decency. Tatapatan na kita this time ng kabastusan. Nag-iisip ka ba sa mga pinagsasabi mo? How dare you say that of Michael. Huwag mo siyang bastusin this way at hindi ka uubra sa akin. Hindi ko kayo uurungan Erin.

“Lalabanan ko kayong lahat. Kasi pag mali si Michael, hindi nakakalagpas sa akin iyan. Ilang basong luha na ang bumagsak sa mga mata niyan noong panahong naging pasaway siya and he has learned his lessons already. He may not be perfect but he tries to be better every day,” pagdepensa pa niya kay Michael.