Incoming Senator Manny Pacquiao reacts on his sons entering showbiz

Manny says he is proud of his sons Jimuel and Micahel.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/06/2016 02:59 AM
Incoming Senator Manny Pacquiao reacts on his sons entering showbiz
060516-MannyPacquiao.jpgAng incoming senator at boxing champion na si Manny Pacquiao ang bagong endorser ng gaming app na GToken at naganap ang contract signing niya kasama ang executives ng nasabing brand sa kanyang mansion sa General Santos. 

Matapos ang pirmahan ng kontrata, na interview natin si Manny at nagbigay reaksyon ito sa pinag usapang pagpasok sa modelling ng kanyang mga anak na lalake na sina Jimuel at Michael.


 "I’m so proud of my sons Jimuel and Michael na pinasok nila ang modelling at mababait silang mga anak at masunurin," unang nasabi ng boxing champ. 

Nilinaw din ni Manny na hindi pa tuluyan pinasok ng kanyang mga anak ang showbiz. 

"Hanggang modelling lang muna (laughs). Number one ang education and I teach them to humble themselves before others," sabi pa nito. 

Sa sasapit naman na Father’s Day, wala ng mahihiling pa si Manny. 
"Wala, basta happy lang ako at magkakasama kami." 

Sunod-sunod ang mga bisita sa bahay ni Manny sa Gen San na binansagan bilang "Mansion Number Two". Tatlo na kasi ang mga bahay dito ni Manny, ang mansion na nauna ay hindi na nila tinutuluyan ng kanyang pamilya at isa na ngayong tourist attraction sa kanilang probinsya. Ang mansion na pangatlo naman ay under construction pa sa ngayon. 

060516-MannyPacquiao1.jpg

060516-MannyPacquiao2.jpg

060516-MannyPacquiao3.jpg

060516-MannyPacquiao4.jpg

060516-MannyPacquiao5.jpg

060516-MannyPacquiao6.jpg