• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikko Natividad says all Hashtags members are given equal opportunity to shine.

EXCLUSIVE: Hashtags’ Nikko Natividad wants to be a host like Luis Manzano

Nikko Natividad says all Hashtags members are given equal opportunity to shine.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/05/2016 10:39 AM
EXCLUSIVE: Hashtags’ Nikko Natividad wants to be a host like Luis Manzano
060516-NikkoHashtag_push.jpgGusto palang maging TV host ni Nikko Natividad ng Hashtags kaya masaya siya sa ibinigay na opportunity ng It’s Showtime na pumunta sa iba’t ibang lugar kasama si Luke Conde para kausapin ang avid televiewers ng programa.

Masaya ako kasi naririnig namin yung iba’t ibang kuwento ng kanilang pamilya at sa edad kong ito marami akong nalalaman sa buhay-buhay lalo na pag yung napupuntahan naming pamilya ay mahihirap saka may nakaka-inspire na kuwento,” simulang pahayag ng binata.

Eh, paano ba siya napunta sa segment na yon ng Showtime?

“Nu’ng una rotation kami kaso napansin kami ni Luke yung may talent sa pagho-host, so tinanong kami kung gusto namin don, pumayag naman kami ni Luke kahit na aaw-araw mainit. Kasi sabi namin, masaya yung ganung trabaho.

Tuesday, Thursday, Saturday sumasayaw kami ni Luke sa Showtime so walang problema sa amin ni Luke yon,” sambit pa niya.

Balak talagang i-pursue ni Nikko ang paghu-host at ayon sa kanya, magandang simula ang ibinigay na pagkakataon ng Showtime.

Masaya ako sa ganu’ng mga hosting, huwag muna sa mga formal,” sabay tawa niya.

Kasi hindi pa rin ako masyadong tiwala na kaya ko nang mag-formal hosting dahil siyempre gusto ko munang mapag-aralan yon. Sa ngayon, mas gusto ko yung casual hosting lang.”

Sino bang iniidolo niya sa paghu-host?

Gusto ko talagang maging Luis Manzano. Kasi si Luis, pogi siya na pa-comedy ang paghu-host. Gusto ko ng ganun. Siya ang peg ko talaga sa hosting.

Kaya every time na nabibigyan ako ng chance sa Showtime, inaayos ko talgaga yung trabaho ko. Kinausap din nila ako na i-maintain ko raw yung paghu-host na kalog, kuwela. So pina-practice ko yung sense of humor ko, yung pagbitaw ng mga punchline, pina-practice ko yon,” sey pa ng gwapong binata.

Bukod kina McCoy de Leon at Ronnie Alonte, isa rin siy Nikko sa maraming followers sa social media. Ano ang feeling na maraming umiidolo sa kanya?

“Natutuwa ako siyempre saka pinilit ko na itaas pa yung energy ko palagi saka galingan pa para dumami pa yung followers ko. Kasi pag dumadami sila mas maraming nakakakilala sa akin at mas maraming dumarating na project sa akin.”

Equal din daw ang exposure nila sa Showtime kaya walang nagkakainggitan.

Ang maganda kasi sa Showtime binibigyan kami ng spot, lahat kami binibigyan ng chance na magsaita, mag-host kaya wala namang selosan.

Kasama si Nikko sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako na pinagbibidahan nina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan. Introducing siya sa pelikula na idinirek ni Joven Tan at palabas na sa June 8 sa mga sinehan.