• Home
  • Fresh Scoops
  • Ana Capri reveals if she has ever been attacted to the same sex.

EXCLUSIVE: Ana Capri admits Angel Locsin is “her type’

Ana Capri reveals if she has ever been attacted to the same sex.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/04/2016 09:37 AM
EXCLUSIVE: Ana Capri admits Angel Locsin is “her type’
060416-ana_main.jpgNagulat si Ana Capri na maraming nag-react sa sinabi niya sa interbyu ng Push.com.ph na guwapung-guwapo siya at hinahangaan niya ang Ezra Band vocalist na si Kaye Cal.

“Ang dami palang fans ni Kaye. Nagulat talaga ako sa mga reaksyon nila. Maraming natuwa, pero meron ding namba-bash,” kuwento ni Ana nang makausap namin siya sa premiere ng Pare Mahal Mo Raw Ako sa SM Megamall.

“Pero hindi pa kami nagmi-meet ha. Gusto ko nga sana siyang panoorin sa show niya, pero wala naman akong idea kung saan,” patuloy niyang pahayag.

Naku, hindi kaya natotomboy na siya kay Kaye?

“Halata na ba?” pabiro niyang sagot sabay tawa. “Tagal kong tinago yon, ha,” sundot pa niya.

“I love men. I love my boyfriend. But I will cross the bridge when I get there. Charot! Ikatutuwa n’yo ba pag naging lesbian na ako?” balik-tanong niya.

 “Well, hindi pa siya dumarating, eh. Hahaha!” sabi ulit niya.

Pero nararamdaman ba niya na nagkakagusto na siya unti-unti sa babae?

 “Nobody has touched my heart, aroused my body and mentally stimulated my brains na babae. But I will not try to find her. If that is part of my destiny, why not?

“Basta huwag nya lang akong sasaktan kasi fragile ako, eh,” pahabol pa niya na hindi namin alam kung nagbibiro ba o seryoso na.

If ever na magiging lesbian nga siya, sino ba ang type niyang babae?

“If ever na bumigay na ako... torn ako, eh. Gusto ko ang beauty nina Anne Curtis at Angel Locsin. Kasi ako, kahit sa lalaki, ang gusto ko kasi sakto, eh. Yung parang meron pang natitira para meron pa akong hahanapin. Gusto ko yung everyday meron akong nadi-discover at nakikitang bago sa kanya.

“Kasi di ba si Angel, pag nag-smile parang may mystery sa mukha niya. Saka parang ang naughty ng mata niya,” pagde-describe niya.

“But I’m still a girl ha, nag-i-evolve lang ako. Babae pa rin ako, I just want to find true happiness in different levels, in different forms,” pagtatapos ni Ana Capri.