• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen says she just wants to give a 100 percent to her performance.

Janice de Belen reacts to praise that her indie performance is award-worthy.

Janice de Belen says she just wants to give a 100 percent to her performance.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/30/2016 09:43 AM
Janice de Belen reacts to praise that her indie performance is award-worthy.
063016-janice_main.jpgWalang pakialam si Janice de Belen kahit sensitibo ang topic ng ginagawa niyang pelikula. Hindi raw ito naging isyu sa kanya kahit kailan.

“You know what, I’m very open to a lot of topics, wala akong isyu sa mga ganyang topics kasi these are things that happen in real life, okey. These are things na how absurd, how disgusting it is for us pero ito yung nangyayari sa totoong buhay na hindi naman natin kontrolado,” reaksyon ng aktres tungkol sa istorya ng bago niyang pelikulang Ringo: The Dog-Shooter na tumatalakay sa isyu ng pagmamahalan ng lesbian at babae.

Dagdag pa niya, “Wala akong problema don sa subject. Wala naman usually akong pakialam sa kung ano yung role ko o kung ano yung magiging impression non sa tao.”

Nalaman din naming sa aktres na once natapos niya ang isang project ay hindi raw niya ito pinapanood.

“Ako kasi, ayokong pinapanood ang sarili ko. Nawe-weirdan ako. Pag nagpi-premiere ako, pumipikit ako. Seryoso, pumipikit ako. Hindi rin ako nanonood ng preview.

“Kasi parang, araw-araw ko ng nakikita ang sarili ko, yung itsura ko sa salamin. Pati Be My Lady hindi ko pinapanood.

“Mas kaya kong panoorin ang sarili ko noon kesa ngayon. Ngayon kasi parang feeling ko, pag pinapanood ko yung sarili ko, baka maging narcissistic ka, eh,” natatawa niyang pahayag.

Eh, paano kung ma-typecast siya sa lesbian roles?

“I actually worried about that, isa yon sa mga worry ko kasi if you’re going to do it, they might expect you to do it all the time, parati na lang ganu’n yung offer. So siyempre dumaan din yon sa isip ko. But like I said, nagawa ko na once, baka puwedeng hindi ko na ulitin. Huwag na.”

Sa mga nakapanood ng acting ni Janice sa indie movie, pang-award daw ito.

“Ay hindi ako nag-i-expect, ang importante is do your job and give you one hundred percent. Yung nagawa ko nang tama yung trabaho ko, yon ang importante sa akin. Kapag napansin, siyempre maraming salamat, masaya. But if not, eh, ganun talaga,” katwiran pa niya.