• Home
  • Fresh Scoops
  • Julio Diaz talks about his aneurysm; Baron Geisler recovering from bruises.

Baron Geisler on fighting alcohol addiction: ‘Magkakaroon kami ng reform program’

Julio Diaz talks about his aneurysm; Baron Geisler recovering from bruises.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/30/2016 09:35 AM
Baron Geisler on fighting alcohol addiction: ‘Magkakaroon kami ng reform program’
063016-baron1_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, parehong nagpapabuti ng kalusugan ang Ma’ Rosa stars na sina Julio Diaz at Baron Geisler. Si Julio ay naka-baston at nagre-recover pa mula sa aneurysm niya noong April.

Ani Julio, “One in a million yung aking case na biglang naputukan ka ng ugat sa loob ng bungo mo and then there you go after two weeks balik ako sa normal na kalagayan ko. Yun nga lang kailangan ng kaunting rehab for this aneurysm case ko…”

Si Baron naman ay nagpapagaling rin ng mga galos at pasa mula sa URCC fight niya sa nakairingang si Kiko Matos. Hindi rin daw scripted ang laban nila ni Kiko. “How I wish it was but no it’s not.”

Isa rin daw itong wake up call para kay Baron na gustong ilaan ang interes sa sports para labanan ang adiksyon sa alak. “Magkakaroon kami ng reform program para sa mga addicts or alcoholics. May brotherhood ka pa at may mag-aalaga sa inyo, may magmo-monitor sa inyo so it is a very good program.”