Amy Perez grateful for safe flight after terrorists attack Turkey airport

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/30/2016 09:40 AM
Amy Perez grateful for safe flight after terrorists attack Turkey airport
063016-amy_main.jpgLigtas na nakalapag ang sinasakyang eroplano ni Amy Perez matapos iwasan ang Ataturk airport sa Istanbul, Turkey. Kinailangang lumapag sa ibang paliparan ang kanilang eroplano dahil inatake ng mga suicide bombers ang Ataturk airport. Marami ang namatay sa nasabing trahedya.

“Napaupo lang ako at nagpasalamat ako sa Diyos na walang nangyari sa amin," kwento ng It’s Showtime host sa “Umagang Kay Ganda” na nasa loob pa ng eroplano.

Galing si Amy sa “Kuwentuhang Kapamilya” sa Madrid, Spain. Ayon sa TV host, nasabihan silang kailangan nila lumapag sa katabing Izmir airport. Matapos ang dalawang oras, pinayagan na silang bumaba ng eroplano.

Ilang sandali pa lamang ay pinayagan na rin silang lumipat sa kanilang hotel.


Ayon sa mga awtoridad, pinagbabaril ng mga terorista ang mga tao sa loob ng Ataturk airport at nang makarating ang mga kapulisan, saka nila pinaputok ang bomba sa kanilang mga sarili.