Karla Estrada on Daniel Padilla: ‘Hindi po totoong nag-walk out siya’

Karla Estrada says Daniel Padilla finished his show

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/03/2016 11:51 AM
Karla Estrada on Daniel Padilla: ‘Hindi po totoong nag-walk out siya’
060316-KarlaEstrada_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, pinabulaanan ni Karla Estrada ang diumano’y pag-walk out ng anak na si Daniel Padilla sa show niya sa Ilagan City, Isabela.

Ani Karla, “It’s not true, hindi po totoong nag-walk out siya. Tinapos niya yung show kumanta siya ng maayos.” 

Ayon sa balita, tinawagan agad ni Karla si Daniel nang malaman niya ang insidente. “Pero siya mismo relax lang siya, sabi niya ‘okay lang yan Ma.’ Hangga’t okay si Daniel, hangga’t relax lang siya, hangga’t ayaw niyang patulan lahat ng ito ay okay lang ako.”

Dagdag pa niya, “lagi kong sinasabi na maging ready ka sa mga taong makakaharap mo.” 

Pero tao lang daw sila at nasasaktan rin sa mga tiradang below the belt. Paalala pa niya, “siyempre, nagre-reflect po ito sa inyong mga magulang kung ano ang action na ginagawa ninyo towards other people. Lagi ang napupulaan ay kung paano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo kaya medyo ingat-ingat tayo.” 

Ayon sa nakakitang isang nakasaksi ng pangyayari, may mga hecklers o nambubuska sa Teen King kung kaya hindi nito tinapos ang kanyang show.