Jake Cuenca reacts to being called ‘OA’

Jake Cuenca also reveals how much he admires Jaclyn Jose.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/29/2016 01:53 PM
Jake Cuenca reacts to being called ‘OA’
062916-jake_main.jpgMay reaksyon si Jake Cuenca sa mga kritikong nagsasabi na minsan ay OA (over acting) siya. Ayon sa aktor, ibinibigay lang daw niya kung ano ang hinihingi sa kanya ng direktor.

“I can do both. I like being theatrical, I like being subdued. But obviously, kina-cast nila ako sa intense role kasi they want that intensity in the show,” paliwanag agad niya.

“The thing is, I work with the parameters of what the directors wants me to give. If the directors want it na ‘Bigay mo yan, kasi TV yan, ganyan-ganyan’ I have to give that, right?”

“Sino naman ako para sabihin sa director na kailangan kong babaan yung acting ko. Pag ginusto ng director na subdued, binibigay ko rin naman,” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon naman ay all praises si Jake sa pagkakapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa.

“Yung pagkapanalo ni Miss Jaclyn sa Cannes, that’s the pinnacle, that’s the highest. Eh, di ba nilait-lait din si Jaclyn dati dahil sa acting niya? And now, she’s the best actress in Canne. Nakakatuwa,” he said.

Nakatrabaho raw niya noon ang aktres sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan at na-star struck daw siya dito.

“Alam nyo, hindi alam ng maraming tao na marami rin akong nakukuhang (good reviews)… yung alam kong pag tama yung ginagawa ko, pag binigyan ako ng ‘oh, okey yung ginawo mo ah’ ni Miss Jaclyn Jose. Parehas kasi kaming nagkatrabaho ni Andi (Eigenmann), tapos pag sinasabi sa akin ni Andi, ‘Uy sabi ni mama, ganito raw’ don ako natutuwa.”

Gusto rin daw niyang makatrabaho naman sa pelikula ang aktres.

“Oo naman, sino ba namang may ayaw, di ba? Dati pa man bago pa siya nanalo sa Cannes, kami ni Iza (Calzado) noon sa soap na yon sa storycon pa lang nagalit pa siya (Jaclyn) sa akin kasi sa sobrang pagka-star struck ko hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan.

“Akala niya for awhile na ang yabang ko, pero sa totoo lang hiyang-hiya lang ako. Grabe talaga yung respeto ko sa kanyanoon pa man. Noon pa man gusto ko na siyang makatrabaho lalo pa ngayon, di ba?” sey ulit ni Jake.