• Home
  • Fresh Scoops
  • The MMFF organizing committee has announced the new criteria for films who wish to join the annual film fest.

Iza Calzado and Epi Quizon express support on new MMFF rules

The MMFF organizing committee has announced the new criteria for films who wish to join the annual film fest.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/29/2016 03:00 PM
Iza Calzado and Epi Quizon express support on new MMFF rules
062916-izaepi_main.jpgNagkaroon ng malakihang media launch ang bagong bihis na Metro Manila Film Festival at dito inihayag ang maraming pagbabago sa taunang pista ng pelikula.

Una na dyan ang pagsasama ng main stream at indie movies sa Full Length Feature Film Category at magkakaroon din ng Short Film Section na dapat ay may running time na di hihigit sa limang minuto. 

Nagbago na rin ang criteria ng mga pelikula na tatanggapin sa MMFF ngayong taon at ito ang mga sumusunod : 40% story, audience appeal, over-all impact; 40%  cinematic attributes and technical excellence; 10% global appeal at 10% Filipino sensibility. 

Sina Iza Calzado at Epi Quizon ang naging host ng launch at nagpahayag sila ng suporta sa bagong MMFF. Excited at looking forward si Iza sa maraming changes sa MMFF. 

"Ako ay talagang na excite sa bagong MMFF kasi this year will be different," pahayag ng aktres.  

Si Epi naman, mas matingkad na future para sa film industry ang inaasahan sa pagbabago ng MMFF. 

"Nakaka-excite lang kasi nakita niyo naman pinalaki, pinaganda, dinagdagan ng rekado at pinag-isipan ang pagpili (ng pelikula)," sabi naman ng aktor. 

Hoping din si Epi na sana ay may pelikula siyang makapasok sa MMFF. 

"I might direct my first short film. Ewan ko lang kung papasok sa category kasi five minutes lang siya so, I might direct," dagdag niya.  

Si Iza, hoping din na makagawa ng isang project para sa MMFF. 

"Mayroon pong pelikula na inaalok sa akin na gusto nila ipasok at maisama sa film fest so kung gawin ko siya at makapasok siya eh ‘di maganda," kwento ni Iza. 
Sa negative reactions naman sa bagong bihis na MMFF, nagbigay pahayag si Epi. 

"If we do want change then we do have to support that change. First, let’s be vigilant kung talagang di siya effective sa industriya natin then pag-usapan natin ulit next year pero suportahan muna natin." 

Di naman nalayo dito ang opinyon ni Iza 

"Parang ang lungkot din naman na sinasabi nila na hindi agad kikita ang mga pelikula mapapabilang sa 2016 MMFF. Bakit di muna natin tingnan ang reaction ng mga tao? It’s only natural that peolple will have something to say," pagtatapos ng aktres.  

Ihahayag ang official entries sa November10 at ipapalabas sa December25.