• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary V renews his contract with ABS-CBN and is a proud Kapamilya for 13 years.

Gary Valenciano is all set for his new role as ‘Papi’

Gary V renews his contract with ABS-CBN and is a proud Kapamilya for 13 years.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/28/2016 06:27 PM
Gary Valenciano is all set for his new role as ‘Papi’
Nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at ipinagmalaki ni Gary na ito na ang kanyang 13th year sa Kapamilya Network.

Nagpasalamat si Gary sa patuloy na tiwala sa kanya ng ABS-CBN at marami pang projects ang kanyang gagawin kabilang na ang bagong season ng Your Face Sounds Familiar at regular performer sa ASAP

Ibinahagi ni Gary na naintindihan niya ang changes na nagaganap sa ASAP at kung bakit every other week na lang siya napapanood sa programa. 

062816-GaryValenciano_main.jpg"I’m happy with ASAP dahil sa changes na nangyayari and nage-excel na ulit ang singers at performers sa show. Twice a month ako mapapanood sa show pero nagma-marka naman ang musical numbers na gagawin namin," kwento niya.  

Bukas din sa possibility si Gary na balikan ang pagiging aktor na ginawa na nya noon sa mga pelikula. Pero kung acting sa teleserye, mukhang kailangan niya daw muna ito pag-isipan. 

"Malaking time kasi ang kailangan para sa isang teleserye show and baka mai-sacrifice ang time ko for my music kapag nagkataon," sabi ni Gary. 

Sa kanyang pamilya, inihayag ni Gary na magiging lolo na siya sa unang pagkakataon dahil buntis si Sam na asawa ng kanyang panganay na anak na si Paolo. 

"Alam ko na girl ang magiging first baby nila and sobrang excited ang whole family and I think end of October or early November dadating ang new member of the family," nakangiting paglalahad niya. 

Tanggap at excited si Gary sa bago niyang role bilang lolo pero "Papi" daw ang gusto niyang itawag sa kanya ng kanyang grandchildren.