• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon talks about working with Ritz Azul on a new teleserye.

Ejay Falcon touring Europe with Ritz Azul

Ejay Falcon talks about working with Ritz Azul on a new teleserye.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/28/2016 10:17 AM
Ejay Falcon touring Europe with Ritz Azul
062816-ejay_main.jpgKakabalik lang ni Ejay Falcon mula sa dalawang linggo na paglilibot sa Europa para sa taping ng inaabangang teleserye na The Promise of Forever. Excited na nagkuwento si Ejay dahil first time niya mapuntahan ang iba’t ibang bansa sa Europa gaya ng Netherlands, Amsterdam, Poland, Czech Republic at Belgium.

"Masayang experience—bagong leading lady, lahat bago ang naka-trabaho ko/ And yung location namin, lahat ng napupuntahan ko parang nai-intriga ako kasi first time ko napuntahan."

Ito rin daw ang pagkakataon para magka-bonding sila ng bagong Kapamilya na si Ritz Azul na bukod sa maganda at sexy, ay interesting daw na ka kuwentuhan.

"Si Ritz sobrang simpleng babae lang talaga na magaling umarte and talagang malalim na tao pero simple."

Bukod sa The Promise of Forever, isang reunion project kasama ang Pasion De Amor boys na siya Jake Cuenca at Joseph Marco ang gagawin ni Ejay. "Reunion project yun eh kaming tatlo kasi kahit wala na ang show na Pasion de Amor nag-uusap kami sobrang solid kami magkakapatid," kuwento pa ni Ejay.