• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce told Janella Salvador that he had a crush on his Wansapanataym co-star Loisa Andalio.

Jerome Ponce reveals star he’d like to give a love potion to

Jerome Ponce told Janella Salvador that he had a crush on his Wansapanataym co-star Loisa Andalio.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/27/2016 01:54 AM
Jerome Ponce reveals star he’d like to give a love potion to
062716-JeromePonce_PUSH.jpgNagulat si Jerome Ponce na si Loisa Andalio ang makakapareha niya sa Wansapanataym Presents Candy’s Crush na nagsimula nang umere nitong Sunday, June 26 sa ABS-CBN.

Unang nagkasama noon sina Jerome at Loisa sa afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Si Jerome ang partner noon ni Jane Oineza at kay Joshua Garcia naman si Loisa.

“Kuya pa nga ako ni Loisa non,” natatawang reaksyon ni Jerome.

Dagdag pa niya, “Hindi ko ine-expect, ibang tao ang ine-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21.”

Hindi naman itinanggi ng binata na noon pa man ay crush na niya si Loisa.

“Noong PBB days, may paghanga na. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua, naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ‘yung parang nandu’n ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andu’n ako sa ine-enjoy ko ‘yung araw-araw kong trabaho. Eto, katrabaho ko siya, di e-enjoy-in ko lalo,” sabi pa ni Jerome.

Sabi naman ni Loisa, hindi raw niya alam na crush pala siya ni Jerome.

“’Yung sinabi sa ‘yo dati ni Janella (Salvador)?” say ni Jerome kay Loisa.

Sinabi na pala dati ni Janella kay Loisa na crush siya ni Jerome pero hindi raw naniwala ang young actress.

“Kay Janella ko lang inamin ‘yun. Ayun, siguro at least, alam na na niya ngayon, so ‘yun,” sabi ulit ni Jerome.

Tungkol sa gayuma ang tema ng episode ng Wansapanataym nina Jerome at Loisa.  Sino ba ang gustong gayumahin ni Jerome ng saka-sakali?

“Ako po? Actually, alam naman nating lahat na hindi totoo ang gayuma. Masyadong malakas ang nararamdaman ng isang tao para gayumahin pa.

“Pero given the chance, siyempre ‘yung crush ko, si ate Erich (Gonzalez). Gagayumahin lang para siyempre, makausap lang, kwentuhan. Pero wala akong ibang intensyon,” sabi pa niya.