• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid and Nadine Lustre say they have another film in the works which will be under the direction of OTWOL director Antoinette Jadaone.

Jadine to work with Sarah Geronimo?

James Reid and Nadine Lustre say they have another film in the works which will be under the direction of OTWOL director Antoinette Jadaone.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/27/2016 01:55 AM
Jadine to work with Sarah Geronimo?
062716-JaDine_PUSH.jpgApat na buwan na ang relasyon nina James Reid at Nadine Lustre na nagsimulang umamin sa Jadine In Love concert sa Araneta Coliseum. Hindi rin napapabalitang nagkakaroon sila ng petty quarrels o tampuhan kahit halos araw-araw silang magkasama. 

“It’s getting better every month,” sabi pa ni James.

Ayaw din daw niyang i-rate in a scale of 1 to 10 ang kanilang relasyon ng ka-love team.

“I can’t put it on a scale of 1-10. It’s just always 10,” paniniguro pa  niya.

Dahil matagal din silang nagsama sa kanilang world tour, natanong si Nadine kung ano ang iba pang ugali ni James na na-discover niya.

“Actually, strict siya, sa food,” sabi agad niya. “Kasi nu’ng nasa States po kami, siyempre, pagkain, masarap. So, I tend to parang overeat. Tapos lahat ng alam mong hindi healthy, kakainin mo, kasi nga, lahat nga po ng pagkain du’n, masarap.

“So, ang nangyari po, since kasama ko si Lauren, ‘yung sister ni James, palaging healthy ‘yung food namin, palaging salad. Nakakapag-steak naman po kami, ganyan, pero nothing oily, nothing unhealthy.
 
“Tapos, parati niya akong nire-remind, water, water, ‘inom ka lang ng water all the time,’” kuwento ng dalaga.

Pagkatapos i-promote nina James at Nadine ang libro nilang Team Real, na available sa National Bookstore published by VRJ Books ng Viva, susunod naman daw nilang gagawin ang bagong soap opera nila sa ABS-CBN after the successful On The Wings of Love, na si Antoinette Jadaone rin ang magdidirek.

Excited na kami. Maganda po kasi ‘yung bago naming soap. It’s more mature than OTWOL, so nakaka-excite. Tapos, may pupuntahan pa po kaming ibang lugar,”  balita pa niya.

“This is about friendship, family,”  dagdag pa ni Nadine.

Ayon pa kay Nadine, may gagawin din daw ulit silang pelikula ni James  pero hindi pa niya alam kung kailan ito sisimulan. Si Antoinette Jadaone rin daw ang magdidirek nito.

Tungkol naman sa suggestions ng fans na pagsamahin sila ni Sarah Geronimo sa isang pelikula, gusto ni Jadine ang ideyang ito.

“Siyempre po, why not? I mean, Ate Sarah ‘yun, siyempre, maganda ‘yun. Siyempre, masaya din po ‘yun,” reaksyon pa ni Nadine.