Beauty Gonzales reveals how she got back in shape after having a baby

Beauty Gonzales admits she had post-partum depression.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/26/2016 11:21 AM
Beauty Gonzales reveals how she got back in shape after having a baby
062616-BeautyGonzales_main.jpgAng pelikulang The Achy Breaky Hearts ang hudyat ng muling pagbabalik sa showbiz ni Beauty Gonzales pagkatapos niya makapanganak.

Ayon sa aktres, nagtatrabaho pa rin naman siya noon sa Ningning kahit buntis siya bago nagpahinga sa showbiz.

“I was working till seven months. Mga seven months din akong nawala. Siyempre matagal na rin yon kasi sanay ka everyday may work and biglang wala kang work. Pero hindi ko pinagsisihan kasi I want to be there with my daughter also,” kuwento niya.

“I mean, I’m so privileged na nakakasama ko siya everyday, but at the end of the day I need to fulfill what I want also by doing what I love,” dagdag pa niya.

After giving birth, naka-experience din daw siya ng postpartum depression.

“I had postpartum kasi I was taking care of my baby by myself for almost two months and it was hard kasi I had CS (cesarean) kasi my baby was too big, she was 8.3 lbs. so it was hard.

“Yung iiyak ka na lang bigla. Yung para kang si Sisa, yung ‘Hala, ginoo ba’t ako umiiyak?’ Yung ganu’n tapos pag tingin mo sa salamin, parang anong nangyari sa katawan ko? Bakit ganito? Ganyan-ganyan. Pero hindi severe yung postpartum ko, feeling ko kabaliwan ko din lang yon,” natatawa niyang pahayag.

Ang partner daw niya at ang pamilya ang nakatulong ng malaki kung paano niya na-overcome ang postpartum experience na yon.

“Nagpapasalamat ako kasi I have my partner, my boyfriend Norman (Crisologo) supporting me so much and even my family. Yon lang naman yon, eh. You just need to have a good support group,” sey pa niya.

Sexy na ulit si Beauty ngayon. Paano ba niya naibalik agad ang dati niyang figure?

“Siyempre, I’m very hands on with my child and in the house so anything regarding my kid, yung puyat, padede, lahat so nakakapayat din siguro, di ba? And we always travel and I only travel with my partner and the baby walang yaya so nakakapayat din talaga.

“So I think that’s why. And I controlled my eating na rin. Puro dahon-dahon na lang, lettuce, camote, gulay, tapos tofu-tofu.”

Kelan ba sila magpapakasal ni Norman?

“Only God knows. Napapag-usapan namin yung kasal and ano lang, siyempre bigla akong nabuntis and I want to… gusto ko tong ginagawa ko sa showbiz, gusto ko munang gawin ito habang may ino-offer sa akin.

“Of course, everybody wants to get married, gusto nating naka-wedding gown… Tanungin mo na lang yung partner ko,” natatawa niyang sabi sa amin.