• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Dino denies that any possible government position offered to them is in exchange for supporting Duterte.

Liza Dino says Aiza Seguerra is not keen on heading any government committee

Liza Dino denies that any possible government position offered to them is in exchange for supporting Duterte.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/25/2016 10:25 AM
Liza Dino says Aiza Seguerra is not keen on heading any government committee

062516-LizaDino_main.jpgSa presscon ng pelikulang Ringo, The Dog-Shooter kung saan isa si Liza Dino sa mga leading stars ay tinanong namin siya kung totoo nga bang pamumunuan na ng bett-half niyang si Aiza Seguera ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Pahayag ni Liza, “Si Aiza, Commissioner on Culture. Very, very informal yung naging meeting namin with the president (Duterte). It was one night, nasa Davao kami, tinawagan kami na kung puwede raw ba kaming bumati sa kanya ng congratulations.

“Pagdating namin don, nung nagpapa-picture na kami, he set us aside tapos sinabi niya na ‘Aiza, Liza tulungan niyo ako sa arts and culture. Sana let’s do a meeting, upo tayo kung anong magagawa natin. Ganu’n kasimple.”


Marami rin daw na mas qualified pa kesa kay Aiza na maging head ng NCCA.

“Ang daming mas credible na pupuwede and may mga recommendations kaming binibigay para sila yung maging head.”

Eh, maging MTRCB chairman, di rin ba type ni Aiza?

“Parang wala pa ata talaga sa isip ni Aiza yang mag-chairman ng mga ganyan-ganyan. We just want to be involved in terms of being part of the committee. Tinanong siya sa NCCA, he wants to be really part of the IPs.

“So, siguro kung mero kaming gusto, like kung ako, I want to be part of the LGBT advocacies, si Aiza more on the Lumads. Kung bibigyan kami ng opportunity na maging head ng something, siguro yun yon. Siguro, yung matataas na posisyon parang… hindi talaga, eh,” katwiran pa ni Liza.

Sana raw ay huwag ding isipin ng mga tao na sukli o ganti ng libre nilang pangangampanya kay Digong noon kung sakaling bibigyan sila ng posisyon sa gobyerno ngayon.

“Kumbaga, when we supported the president it was because we believed in him, that’s it. In terms of position, I don’t think right now na yon ang… it woud be unfair for people to say na parang kailangang suklian yung pagkampanya sa kanya.

“At kung halimbawa man na may mga taong ganun hindi din natin sila dapat sabihan ng mga masasama dahil this is the only government na… sinabi na niya mismo na hindi matataas ang suweldo ng mga to, walang luxury, walang ano. So, definitely, lahat ng mga nag-a-apply ngayon is because they want to be of service and I think that’s really admirable,” katwiran pa niya.

Aalis ang mag-asawang Liza at Aiza ngayong October para sa plano nilang in vitro fertilization (IVF) kaya hindi naka-set ang mind nila sa anumang government position.

“We have our personal plans kasi for this year, eh. So parang, hindi kami makakatulong siguro sa gobyerno kung mawawala kami dito ng ilang buwan, so parang we don’t want to … Kung halimbawa man, we want to help in lobbying things, gusto naming maging bridge para makatulong,” sabi pa ni Liza.

Main photo credit to lizadino IG