Legal counsel says there was an abduction attempt on Dawn Zulueta’s daughter

Death threat on Dawn Zulueta’s family worsens.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/25/2016 12:13 PM
Legal counsel says there was an abduction attempt on Dawn Zulueta’s daughter

062516-Dawn_main.jpgSa ulat ni Mj Felipe para sa Bandila, mas lumala ang death threats na natatanggap ng pamilya ni Dawn Zulueta at ng kanyang politician-husband na si Antonio Lagdameo Jr.

Noong Miyerkulers diumano at ayon sa legal counsel nila na si Atty Rudolph Jurado, nagkaroon ng failed abduction sa anak nina Dawn sa eskwelahan nito. Ito raw siguro ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Anton na gawing public ang natatanggap na death threat ng pamilya.

At habang nangyayari ang abduction attempt sa eskwelahan, ayon kay Atty. Jurado, “meron ring pumarada sa bahay nila na unknown motor vehicle. All these are under investigation pa.


Noon ding kasagsagan ng shooting ng pelikula ni Dawn sa Laguna, may dalawang motorsiklo na nagtatanong sa location at schedule ng aktres.

Nagsimula ang death threats noong campaign period at akala ng mag-asawa ay matatapos din pagkatapos nito.

Ayon sa ulat, may kinalaman diumano ito sa pagsuporta ni Anton sa Vice-Presidential campaign ni Bongbong Marcos.

Mas mahigpit ngayon ang security ng pamilya. Hindi rin muna magbibigay ng pahayag si Dawn tungkol dito.