• Home
  • Fresh Scoops
  • The lead stars of “The Achy Breaky Hearts” share their tips for those who are still loveless in their 30s.

Jodi, Richard and Ian give love advice to 30-something singles

The lead stars of “The Achy Breaky Hearts” share their tips for those who are still loveless in their 30s.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/25/2016 10:50 AM
Jodi, Richard and Ian give love advice to 30-something singles
062516-AchyBreaky_main.jpgMaraming 30 something singles ang relate sa tema ng pelikulang The Achy Breaky Hearts na tungkol sa kuwento ni Chinggay na matagal na naging single. 

Tinanong natin ang tatlong lead stars ng pelikula na sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Ian Veneracion at nagbigay sila ng tips at advice sa mga 30-something na singles ngayon. 

Para kay Jodi, kahit nagmamadali ng magka-love life lalo na ang kababaihan na gaya nya, huwag daw ibaba ang taste at standards. 

"Huwag magpa-pressure sa society o sa mga kaibigan. Important na huwag ibaba ang standards sa love dahil nagmamadali na tayo na maghanap ng partner so don’t settle. Important din na i-weigh mo kung nabigyan ka ng pagkakataon na kung dalawa ang pipiliin mo you weigh your options," sabi ni Jodi.

Para naman kay Richard, mag-review ng mga nakilala noon at baka na miss lang at di napansin ang isang kakilala na magbibigay interes. 

"Broaden your horizons. Take a look again, baka may nadaanan ka na dati na di mo napansin pero yun na pala ang hinahanap mo. Be open," pagbabahagi naman ni Richard. 

Di naman nalayo dito ang tip ni Ian. Sa sobrang bilis daw ng mundo ngayon, nalalagpasan natin ang simple things na di natin alam na magpapasaya na pala sa atin at magbibigay inspirasyon. 

"Kung more than 30 ka na at wala ka pa love life medyo mag alala ka na, kasi baka yung mga dumaan na sa small moments, di mo lang napansin. Maging observant at maging gentleman," sabi ni Ian. 

Ipapalabas na sa mga sinehan ang The Achy Breaky Hearts sa June 29.