• Home
  • Fresh Scoops
  • Jadine also gives details of their new book “Team Real.”

Nadine Lustre reacts on her and James Reid being given strict security measures

Jadine also gives details of their new book “Team Real.”

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/24/2016 10:02 AM
Nadine Lustre reacts on her and James Reid being given strict security measures
062416-jadine_main.jpgKatatapos lang mag-story conference nina James Reid at Nadine Lustre para sa bagong teleserye na gagawin nila para sa ABS-CBN ngayong September pero hindi muna nagkuwento ng detalye ang magka-loveteam tungkol dito. 

Gusto raw muna nilang mag-focus sa inilibas nilang libro titled Team Real na nagkaroon ng presscon nu’ng Thursday, June 23.

During the press con of the book, nagulat si Nadine nang malaman na may death threats palang natatanggap ang Viva Artists Agency kaya medyo hinigpitan ng konti ang kanilang seguridad ni James kapag meron silang public appearances gaya ng launching ng libro sa Market Market na ginanap last Sunday.

Ano ba ang reaksyon dito ng dalaga?

“Well, feeling ko naman po, nag-start ’yun dahil nga kay Christina Grimmie (ang American singer na binaril kamakailan pagkatapos ng kanyang concert sa Orlando), first time ever na harap-harapan talagang (binaril).

“Kasi, from what I heard, parang fan yung… sa autograph signing, tapos bigla na lang siyang pinaputukan. So, parang feeling ko, nag-start lahat du’n nu’ng time na yun,” sabi ni Nadine.

Inamin ng singer-actress na medyo naalarma din sila ni James dahil sa nangyari.

“Siyempre, natatakot po, pero ingat-ingat na lang po,” sabi pa ulit niya.

Samantala, almost 100,000 na agad ang nabentang kopya ng Team Real book sa National Bookstore kaya tinanong namin si Nadine kung okey lang ba sa kanya ang gumawa ng Team Real Book 2.

Kwento ni Nadine,  “Of course, siyempre po, kasi at least dito, mas marami pa po kaming maibahahagi sa fans namin, mas marami pa po kaming maikukuwento sa kanila.

“Pero for now, let’s focus po muna sa Team Real, kasi ito po talaga, halos lahat po talaga sinabi po namin dito sa book na ’to,” she said.

Ang Team Real ay merong 120 pages na naglalaman ng kanilang mga kwento kung paano sila na-in-love sa isa’t isa, kanilang mga buhay, pangarap at napakarami pang mga bagay tungkol sa kanila.

Napakarami ring sexy and hot photos ng dalawa, lalo na nga si James, na may kuhang nasa pool at naka-topless.

“I’ve always had a pool in my house.... I’ve learned to swim when I was  3 years old... We’re extending this one so we can do long laps. It’s going to be 20 meters long,” bahagi ng quotes ni James sa libro.

Nang tanungin namin kung nag-swimming na ba siya ng hubo’t hubad sa pool niya ay natawa lang siya at napaisip.

“If I did, I don’t remember!” sagot niya. 
 
Maging ang sikreto ni James kung paano niya alagaan ang kanyang katawan at manatiling pogi ay mababasa din daw sa libro.

“Besides the mandatory cleansing of the face, I don’t really do anything else. The only routine  I have is: I wake up, I shower, I go to work, I get home really, I go to sleep,” sabi pa niya.