• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor says he doesn’t want to do the typical boy-next-door roles anymore.

Enchong Dee admits he is willing to go daring and sexy in film projects

The actor says he doesn’t want to do the typical boy-next-door roles anymore.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/24/2016 09:57 AM
Enchong Dee admits he is willing to go daring and sexy in film projects
062416-enchong_main.jpgMas magiging mapili na si Enchong Dee sa projects na tatanggapin ngayong he is already on his 10th year sa showbiz. Ito ang naikuwento niya sa Push.com.ph nang makausap naming siya sa presscon ng latest film niyang I Love You To Death with Kiray as her leading lady.
 
“Hindi sa pagiging mapili but I think, di ba, sampung taon ka naman na, dapat alam mo yung malaman na proyekto. Ayoko na yung the usual siguro, yung tipong boy next door, yung parang sawang-sawa ka na.

“Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan yon. Babalik at babalik ka din because yon nga yung strength mo, eh. Siguro I will do that once and then I will do a lot of other things, kumbaga, variations,” paliwanag ng actor.

Handa na rin daw siyang tumanggap ng daring roles at magpa-sexy.

 “I’m already 27, I can’t do the same role over and over again. Yung tulad ng butt exposure, pag-iisipan ko yon.

 “Ready rin ako physically kasi kapag tinanggap mo yung trabaho na yon, it has to follow. Kung kailangan kong maging mataba dito magpapataba ako. Kung kailangan kong magka-abs dito, gagawin ko.

“Yung nudity, pag-iisipan ko  yon. Kasi siyempre, hindi naman tayo basta, ‘Oh, dito sa proyekto na ito maghuhubad ka.’ Okey, maghububad ako pero ano yung kuwento?”

Kahit guy-to-guy o kissing scene with another man, okey lang ba sa kanya?

 “I don’t mind, kapag yon nakaplano for my own development I would do it. Walang problema don,” sagot pa ni Enchong.

Naging peg naman ni Enchong ang career ni Ian Veneracion at sana ay tumagal din daw siya sa showbiz na katulad ni Ian.

“I hope I can last the business as much as I can tulad ni Ian Veneracion. But I don’t know kung kayo, tatangkilikin n’yo pa ako, di ba?” balik-tanong niya.
Sa huling tanong naming kay Enchong, possible bang ma-fall siya sa kaparehang si Kiray lalo na at loveless naman siya ngayon?

“Let’s be honest, when you go into a relationship, una mo namang titingnan is physical, eh. Kapag feeling nyo hindi kayo match, you will be there until friends, di ba? So feeling mo kung hindi kayo magka-level, hindi mo pipilitin, parang ganu’n lang,” katwiran pa niya.