Yeng Constantino says her compositions and songs will be featured in a play

Yeng Constantino’s digital concert is a success

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/23/2016 09:15 AM
Yeng Constantino says her compositions and songs will be featured in a play
062316-yeng_main.jpgSa ulat mula ni MJ Felipe para sa Bandila, successful diumano ang first digital concert ni Yeng Constantino. Ito ay parte ng kanyang 10th year anniversary celebration sa music industry.

Jam-packed ang studio at marami rin ang nakapanuod mula sa iba’t ibang bansa ng digital concert ni Yeng. Binalikan ni Yeng ang kanyang signature hits and looks para sa kanyang 10 years sa industriya.

Binalita rin ni Yeng na gagawin ng musical ang kanyang mga songs and compositions sa play na si Ako Si Josephine. 

Ani Yeng, “Kasama po ito sa ika-sampung taong anibersaryo ko sa music industry, kaya naman po sana suportahan niyo dahil dream come true po ito para sa akin.” 

Ipapalabas ang Ako Si Josephine mula September 8 hanggang October 9 sa PETA theater.