Apat na parangal ang nakuha ng Heneral Luna – ang Best Cinematography; Best Sound; Best Editing at Best Director.
Ang pelikulang Taklub ni Direk Brillante Mendoza na pinagbibidahan ni Nora Aunor ang nakakuha ng Best Picture.
Best Actress si LJ Reyes para sa Anino sa Likod ng Buwan at Best Actor naman si John Lloyd Cruz para sa Honor Thy Father.
Pinag usapan ang naging acceptance speech ni John Lloyd na sinimulan niya sa linya na hindi siya naniniwala sa awards. Pero ipinaliwanag naman ni Lloydie ang kanyang nasabi, "Hindi yung award it’s the honor that goes with it eh, yun ang kailangan at mahalaga para sa akin sa paghihintay ko for the right time. That was a long process eh, napakatagal ko hinintay ang pagkakataon na yun," sabi ng aktor.
Kahit marami nang napatunayan sa kanyang husay bilang aktor, inamin ni John Lloyd na kinakabahan siya at di makapaniwala habang tinatanggap ang parangal. "Kapag you’re in the company of all these artists, ano ito ang mga kasama ko sa industry, sa presence pa lang nila kasama ka doon pa lang dinadaga ka na," kwento pa nito.
Ginagawa ngayon ni John Lloyd ang pelikulang Ang Babaeng Humayo kasama ang mahusay na aktres at ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.
Below are full list of winners:
Best Picture: "Taklub"
Best Actress: LJ Reyes ("Anino sa Likod ng Buwan")
Best Actor: John Lloyd Cruz ("Honor Thy Father")
Best Supporting Actor: Bernardo Bernardo ("Imbisibol")
Best Supporting Actress: Ana Abad Santos ("Apocalypse Child")
Best Director: Jerrold Tarog ("Heneral Luna")
Best Editing: Jerrold Tarog ("Heneral Luna")
Best Music: Jake Abella ("ARI: My Life with a King")
Best Sound: Mikko Quizon ("Heneral Luna")
Best Production Design: Ben Payumo ("Water Lemon")
Best Screenplay: Robby Tantingco ("Ari: My Life with a King")
Best Cinematography: Pong Ignacio ("Heneral Luna")
Best Short Film: "Wawa"
Best Documentary Film: "The Crescent Rising"
Natatanging Gawad Urian award: Romy Vitug