• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen says she was initially unaware that there was going to be a love scene in her upcoming indie movie.

Janice de Belen admits it was difficult to shoot a lesbian love scene for her indie film

Janice de Belen says she was initially unaware that there was going to be a love scene in her upcoming indie movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/23/2016 09:20 AM
Janice de Belen admits it was difficult to shoot a lesbian love scene for her indie film
062316-janice_main.jpgMapangahas ang role ni Janice de Belen sa pelikulang Ringo, The Dog-Shooter ng Olivia Films na idinirek ni Rahyan Carlos from the script of Ricky Lee. Ang pelikula ay entry sa 3rd World Premieres Film Festival (WPFF) na mapapanood from June 29 to July 10 in selected cinemas.

Tomboy si Janice sa indie film at may love scene pa siya kay Liza Dino na karelasyon niya sa pelikula. Paano ba niya pinaghandaan ang ganitong klase ng role?

“Dinelay, dinelay ko nang dinelay,” natatawa niyang pahayag.

“Paano mo naman paghahandaan yung ganu’n? Magpa-practice ka, hindi naman di ba? So, dinelay ko kasi ang kailangan ko more than anything ay lakas ng loob. Ay mas mahirap yon, pinakamahirap yung lakas ng loob.

“It’s not even yung shot, not even yung kukunan ka, lakas ng loob ang pinaka-kinailangan ko sa lahat,” pag-amin pa ni Janice.

Nang ibinigay daw sa kanya ang script para pag-aralan kung tatanggapin the project, hindi raw niya nabasa ang part na meron siyang love scene sa kapwa babae.

“Hindi ko talaga nabasa, promise.  Nung binabasa ko yung script nasa taping ako, eh, so nung binasa ko siya sa email lang. Yung scene pala na yon naka encapsulate siya sa isang sequence na hindi ako kasama, wala akong dialogue, eh, kaya hindi ko nabasa.

“Kaya nung nag-i-script reading kami, nu’ng sinabi (yung scene), sabi ko parang hindi ko alam ito, andon na kami, anong gagawin ko?” paliwanag pa ng aktres.

Ayon pa kay Janice, first time niyang ginawa ang ganu’ng klase ng eksena sa buong buhay niya as an actress.

“Alam mo, hanggang ngayon na pinag-uusapan natin yun, ninenerbyos pa rin ako kasi feeling ko, ito yung pinakamahirap na ginawa ko ever,” sey pa niya.

Nakiusap din daw siya kay Direk Rahyan na kung maaari ay tanggalin na lang ang eksena pero kailangan daw talaga ito sa pelikula kaya wala siyang nagawa.

Kuwento pa niya, “Tinatanong ko talaga sa kanya, ‘Kailangan ba?’ Because base on what I read ramdam ko hindi kailangan. But then it’s not my vision, I’m not the director, I’m not the writer.

“So siyempre, para sa akin baka naman hindi kailangan at siyempre hangga’t kaya (tanggalin), pero kung hindi talaga, the compromise was can we do it on the last day of shooting para siguro nakilala mo na yung mga kasama mo, medyo naka-get over ka na sa fact na ito yung gagawin mo.”

Malaking tulong ba na may asawang lesbian na kagaya ni Liza yung kaeksena niya sa pelikula para mas madali niya itong magawa?

“Actually, hindi naman. I don’t think it would have mattered… it’s really the scene and the lakas ng loob, yon talaga ang isyu ko sa lahat.

“Nagkukwentuhan naman kami ni Liza, ang importante kasi may cooperation siya. Siyempre kami yung magka-eksena dapat may cooperation kami, dapat may working camaraderie man lang kami, di ba? Kahit naman makipag-kissing scene ka sa lalaki, kailangang kumportable ka. Kasi kung hindi ka kumportable hindi mo talaga siya magagawa,” paliwanag pa niya.

Bilib naman si Janice sa pagiging professional ni Liza habang ginagawa nila ang naturang sensitive scene.

“Nabilib ako sa kanya kasi ako, naisip ko, ang tagal ko ng artista pero ni minsan hindi maiisip yon (breast exposure), hindi ako papayag kasi unang-una, hindi n’yo rin tiyak gustong makita, I’m sure. So, di ba, bilib ako sa kanya kasi kinaya niya yon.

“And never pa ako nagkaroon ng kasama ever sa eksena na talagang nag-topless na babae. So parang naku-conscious ako for her and don sa eksena kasi, medyo matagal siyang walang takip, so alam mo yon, pagka-cut, inaabutan ko siya ng ano kasi siyempre babae din ako, alam ko yung feeling, naku-conscious ako for her. Ang inisip ko na lang kunyari tinatakpan ko yung boobs niya para hindi makita sa camera,” kuwento pa niya sa Push.com.ph.