• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca is proud of the fact that he can take on roles other actors aren’t comfortable with.

Jake Cuenca says he’s open to doing romcoms

Jake Cuenca is proud of the fact that he can take on roles other actors aren’t comfortable with.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/22/2016 08:25 AM
Jake Cuenca says he’s open to doing romcoms
062216-jake_main.jpgHindi akalain ni Jake Cuenca na dalawang beses siyang mananalo ng international best actor award sa pelikula ni Direk Diane Ventura na Awaken (Mulat) na isinali sa International Film Festival Manhattan at sa World Cinema Festival in Brazil.

Personal na ibinigay ni Direk Diane ang certificate ng pagka-best actor kay Jake nu’ng sa presscon held recently dahil hindi nakapunta si Jake sa Brazil para tanggapin ang award.

“Oo nga, eh. Wala ako sa Brazil para tanggapin yung award ko. But I’m so thankful kay Direk Diane sa opportunity na binigay niya sa akin to do Mulat. This is really unforgettable kasi siya ang nakapagbigay sa akin ng dalawang international best actor award,” masayang pahayag ni Jake.

Bukod sa paggawa ng indie, pangarap din pala ni Jake ang gumawa ng romantic comedy sa TV or film.

“’Yung soap namin ni Gerald (Anderons) is not drama, it’s actually romcom, kasi Dan Villegas, eh, ’di ba? But thankful pa rin nman ako kasi pag drama naman they have me on the top of their minds.

“But given the opportunity, yeah, parang I’d love to do a romcom. I think I can do it. Kaya ko rin namang gawin yon but it’s just kilala rin ako ng tao for drama and ako I love drama kasi I love bringing out yung emotions, pero pag binigyan ako ng romcom, siyempre, I’ll be so thankful,” wish pa niya.

Eh, ano ba ang pakiramdam na isa na siyang award-winning actor sa film festival abroad?

“”Yang award kasi pag masyado mong dinibdib yon, do’n lumalabas yung over confidence mo, nawawala yung pagiging estudyante mo ng industriya. So, ako nilalagay ko lang sa cabinet ko, ganu’n lang.

“Oo, nakaka-inspire pero ako kasi pag gusto ko yung project, I mean, base sa lahat ng projects na ginawa ko in the past, alam n’yo wala akong limitations when it comes to anything as long as I express myself fully.

“Regardless naman kung may award o wala basta I’ll still be doing indie movies. I will still be doing passion projects,” sagot ng aktor.

In fairness kay Jake, isa siya sa mga aktor na malakas ang loob na gawin ang role na hindi kayang gawin ng iba.

“I take pride in that kasi for me, it’s a different feeling, eh. Kasi ako I feel successful when I fulfill myself with projects na I’m the only one na nakakagawa.

“Parang pag inuupo ako ng mga director at sinasabi nila na ikaw lang ang makakagawa nito, eh, and when I hear those words parang I feel so… parang mas lalo mong gagalingan sa performance mo kasi sa akin binigay ito,” proud niyang pahayag.