• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Tonet says James Reid and Nadine Lustre will ‘level up’ in next drama series.

EXCLUSIVE: Antoinette Jadaone gives hints on new Jadine teleserye

Direk Tonet says James Reid and Nadine Lustre will ‘level up’ in next drama series.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2016 08:31 AM
EXCLUSIVE: Antoinette Jadaone gives hints on new Jadine teleserye
062216-antoinette1_main.jpgSa ating solo interview with Direk Antoinette Jadaone na direktor ng Achy Breaky Hearts, naibahagi niya na siya muli ang magiging direktor nina James Reid at Nadine Lustre sa bago nilang teleserye.

"Nagkaroon na po ng story conference ang Dreamscape and nagkita-kita na kami ulit nina James and Nadine at excited na po kami dito sa bagong project," sabi ng direktor. 
 
Ayaw muna magbigay ng detalye ni Direk Tonet pero sigurado daw na magugustuhan ito ng maraming followers ng JaDine. 

"Itong bagong teleserye ganun din, it’s about love, friendship and family, pero one notch higher in the sense na mayroon siyang statement, mayroon siyang gusto sabihin at iparating. I think it is very timely na itong Jadine malayo na ang narating nila," sabi pa ni Direk Tonet. 

Dahil nga naman sa naging phenomenal na pagtanggap ng viewers sa On The Wings of Love, next level na ang tema at bagong inspirasyon ang ibibigay ng bagong JaDine teleserye.

 "Bilang youth ambassadors, tama lang na gagamitin nila itong platform na ito para magbigay ng insights sa mga issues na hindi pa natin nata-tackle sa teleserye," pagtatapos ni Direk Tonet.