• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, Ian Veneracion and Iza Calzado headline new ABS-CBN teleserye “The Second Wife.”

Bea Alonzo, all set for teleserye comeback

Bea Alonzo, Ian Veneracion and Iza Calzado headline new ABS-CBN teleserye “The Second Wife.”

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2016 05:55 PM
Bea Alonzo, all set for teleserye comeback
062216-BeaAlonzo_main.jpgNagbabalik teleserye ang magaling na aktres na si Bea Alonzo sa The Second Wife.
Dalawang taon na namahinga si Bea sa pag gawa ng serye kaya excited siya sa kanyang pagbabalik telebisyon. Tatalakayin ng serye ang complex family at paano nalalagpasan ang mga pagsubok dito.

"Basically it talks about the modern families of today kung paano ba hinaharap ang ganito, Kapag nagkaroon tayo ng kapatid sa labas, anak sa labas, ito ang magre-represent ng families na yun."

Looking forward si Bea na mapanood siya muli gabi-gabi ng mga manonood at pinaka nakaka miss daw dito ang personal na bonding na kanyang nae-experience mula sa kanyang followers.

"Iba pa rin kapag napapanood ka everyday sa TV. Ang feeling mo parte ka ng household ng bawat pamilyang Pilipino, pati kapag lumalabas ng ibang bansa that is what I miss in doing a TV show," kwento pa ni Bea. 

Kasama rin ni Bea sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Julia Barretto, Enchong Dee at Vyn Abrenica, sa kanyang unang major project sa ABS-CBN.