• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress thanks her friend Amy Perez for supporting her through thick and thin.

A sexier Bing Loyzaga is ready for her showbiz comeback

The actress thanks her friend Amy Perez for supporting her through thick and thin.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2016 01:21 PM
A sexier Bing Loyzaga is ready for her showbiz comeback
062216-BingLoyzaga_main.jpgNagbabalik showbiz ang character actress na si Bing Loyzaga na ilang taon din namahinga at inasikaso ang kanyang pamilya. 
Sa kanyang pagbabalik acting at bilang endorser ng Marie France, naibahagi ni Bing ang kanyang personal na pinagdaanan nang pansamantala niyang talikuran ang showbiz. 

"I gained weight because I developed hyper thyroidism. I was caring for my dad for several years, since my dad suffered a stroke and dementia. Na-trigger ng stress yung hyper thyroidism ko so I started gaining weight," kwento niya. 

Malaki ang pasasalamat ni Bing sa kanyang mister na si Janno Gibbs, mga anak at kaibigan na di siya iniwanan sa kanyang pinagdaanan. Partikular na nag-thank you si Bing sa It’s Showtime host na si Amy Perez. 

"Nagpapasalamat ako kay Amy kasi siya ang unang-una na nag-message sa akin na congratulations. Thank you (crying). Never naman yan bumitaw si Amy. We go along way, high school pa kami magkasama. Thank you for the friendship," sabi pa ni Bing. 

Ibinahagi rin ni Bing ang kanyang natutunan sa nalagpasan niyang problema. 

"There is always room for change and don’t be scared of change, kasi once you are willing to change, that’s when you prove to yourself that you love yourself,”  pagtatapos ni Bing.