• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis says she feels more pressure with her second time as a leading actress in a movie.

Kiray Celis admits she is more nervous about her movie with Enchong Dee

Kiray Celis says she feels more pressure with her second time as a leading actress in a movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/21/2016 08:59 AM
Kiray Celis admits she is more nervous about her movie with Enchong Dee
062116-KirayCelis_PUSH.jpgMas kabado si Kiray Celis sa bago niyang pelikulang I Love You To Death ng Regal Films kumpara sa Love Is Blind na ginawa niya several months ago.

“Mas nakakakaba pala yun pangalawa kasi yung Love Is Blind, yung moment na yon parang ano, ‘Ay totoo ba, magbibida na ako?’ Parang ganun po yung pakiramdam.

“Tapos ngayon pala sa pangalawa (I Love You To Death), totoo na pala talaga. Kasi di ba ang hirap sa umpisa kasi hindi pa nagsi-sink-in sa yo. At saka don kasi apat kami. Saka hindi ko naman kailangang mag-effort kasi may Derek (Ramsay), Solenn (Heussaff), Kean (Cipriano). So ngayon, feeling ko kaming dalawa na lang,” kuwento ni Kiray.

Ayon pa sa komedyana, mas matindi rin daw ang pressure na nararamdaman niya ngayon sa bagong pelikula.

“Parang sobrang taas nung naumpisahan ko, parang sobrang taas nu’ng Love Is Blind para sa akin kaya iba yung pressure sa akin.”

As expected, may kissing scene si Kiray sa kapartner niyang si Enchong Dee sa pelikula.

“Siya yung pinakagrabe. Mas grabe kesa kay Derek. Walang binatbat si Derek, promise. Nagulat nga ako, eh,” seryoso niyang pahayag.

Dahil din daw sa matinding kissing scene na yon kaya napaiyak na siya.

“Naiiyak na ako sa inis sa sarili ko kasi nga yung araw palubog na, eh, nasa taas kami ng bundok, pero hindi ko pa makuha yung eksena. Gusto ko kasi isang beses lang, ayoko ng paulit-ulit lalo na do’n sa halikan na yon,” sabi pa ni Kiray.

Eh, ano naman ang feeling niya sa sinabi ni Enchong na lume-level na siya ngayon kina Erich Gonzales at Maja Salvador na nakatrabaho noon ng actor?

“Oo nga, eh. Narinig ko nga yan, sinabi niya yan sa interbyu. Ewan ko, kasi hindi naman nagbago yung… siguro  hindi kasi siya masyadong nag-adjust o nagulat siya na hindi niya kailangang mag-adjust sa akin kaya niya nasabi yon,” katwiran niya.

Inusisa na rin naming kay Kiray kung ano na ang mga pagbabagong nangyari sa kanya pagkatapos ng success ng Love Is Blind.

Ayon sa dalaga, “Nag-level-up ba? Parang hindi naman. Actually, ayoko kasi yung… parang minsan pag nagde-demand ka feeling ko, ‘Ay shocks, baka sabihin nila na lumalaki na yung ulo ko, ang hirap.

“Like kunyari pag na-late ako ng 10 minutes baka isipin nila na lumalaki na yung ulo ko, di ba, na nagpi-primadonna na ako. Eh, dati hindi naman nila ako pinapansin kung ma-late man ako kahit one hour, yung ganu’n.

“Kunyari sa tent kahit mainit, hindi mo puwedeng sabihin na ‘Ano ba yan ang init init.’ Hindi ka puwedeng gumanun. Kasi ngayon, yung sasabihin ko parang may meaning na,” parang naguguluhang pahayag ni Kiray.

Pagdating naman sa love life, aminado ang dalaga na bokya pa rin siya

“Hindi ako lumalabas, eh. Hindi rin ako nagha-hangout with friends. Hindi rin ako nakikipag-usap to anyone. Hindi rin ako nag-i-entertain. Boring ang life ko, as in trabaho lang.

“Work, work, work lang. Money, money, money. Ganern,” tili pa niya.

Kung mabibigyan pa ng magagandang break sa pelikula o kahit sa TV, pangarap ni Kiray na maging katulad nina Eugene Domingo at Ai-Ai delas Alas.

“Pero siyempre, hindi ko kayang higitan yung napuntahan nila, iba naman yung path ko, eh. Sila yung nilo-look up to ko, sila yung parang tinitingala ko.

“Not peg, kasi I have my own. Kahit naman si Ai-Ai, hindi niya pineg kahit sino, kahit si Eugene, hindi niya pineg si Ai-Ai, hindi niya pineg si Pokwang. Wala ka dapat i-peg kasi kapag pineg mo, magkakapareho kayo,” rason niya.