KathNiel loves the ‘bikini’ in Barcelona, Spain

KathNiel starts shooting movie in Barcelona, Spain

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/21/2016 09:01 AM
KathNiel loves the ‘bikini’ in Barcelona, Spain
062116-KathNiel_PUSH.jpgSa ulat mula sa Bandila, simula na ng shooting ng pelikula ng tambalang KathNiel sa Barcelona, Spain. 

Ito ang unang beses na makakatrabaho nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo si direk Olivia Lamasan. Ani Daniel, “ang sarap kasi every scene na gagawin mo, fulfilling kasi Olive Lamasan, so ma-good take ko lang yun okay…. Talagang buong puso at trust dapat ibibigay mo sa kanya.” 

Isa sa mga hamon ng pelikulang ito para sa KathNiel ay ang pag-deliver ng linya sa salitang Espanyol. Ayon sa dalawa, kinailangan nilang mag-aral ng basic Spanish.

Halos buong pelikula ay kukunan sa Barcelona at malaking tulong diumano ito. Ani Daniel, “ang laking tulong ng atmosphere ng lugar para sa romansa and maganda yung istorya ng movie dahil unang-una iba na ang maturity level nito e, kesa sa past movies namin.” 

Nakatuwaan rin ng dalawa ang pag-order ng tinapay sa Barcelona na kung tawagin ay “bikini.”