• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryan Cayabyab says they want to get composers to sing their songs as well.

Ryan Cayabyab reveals improvements for 2016 Phil Pop Song Fest

Ryan Cayabyab says they want to get composers to sing their songs as well.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/02/2016 09:46 AM
Ryan Cayabyab reveals improvements for 2016 Phil Pop Song Fest
060216-RyanCayabyab_PUSH.jpgSa ika-limang taon ng Phil Pop Sing Festival, inihayag ng Phil Pop Head na si Maestro Ryan Cayabyab ang mga improvements sa prestigious song writing competition na inaabangan taon taon.

Una na dito ang bagong designed na tropeo na iuuwi ng mga magwawagi. "What is in store is—I’m keeping my fingers crossed—we have a new trophy na gawa ng isang national artist pero hindi ko pa pwede idetalye kasi as of now hindi pa tapos. Ihahabol natin yan. Ngayon sa 5th year ng Phil Pop, very special ang taon na ito and we are trying to make it very special for all of us."

Sa line-up ng song finalists ngayong taon, mukhang nauuso na ang composer ng kanta ay kasama rin sa interpreter na kakanta nito sa finals night na magadang exposure sa composer. "Ang role naman natin lagi is para dumami ang songs na likha ng composers na Pilipino. For me, taon-taon nasisiyahan ako kasi andami laging bagong song writers and performers. As a matter of fact nagiging totoo na rin ang isa sa mga panaginip namin na ang interpreters kinakanta na nila ang kanilang kanta sa competition."

Agad naman nilinaw ni Mr C na sila pa rin ang magdedecide kung nababagay ba ang interpreter sa kanta o kung ang composer din ang pakakantahin nila ng song finalist. "Hinahanapan natin ng balanse siyempre ang mga kilala na composers at mga baguhan. Siyempre hindi natin yan magagawa overnight dahil kailangan din natin makaipon ng audience natin."

One million pesos ang premyo sa grand winner na malalaman sa finals night sa July 23 sa Kia Theater.