• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina says she gets constant advice from Pia Wurtzbach.

Maxine Medina reveals early preps for Miss Universe

Maxine Medina says she gets constant advice from Pia Wurtzbach.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/02/2016 09:53 AM
Maxine Medina reveals early preps for Miss Universe
060216-MaxineMedina_PUSH.jpgKasama ang 2016 Binibining Pilipinas Queens na sina Kylie Verzosa (Bb Pilipinas International); Jennifer Hammond (Bb Pilipinas InterContinental); Joanna Eden (Bb Pilipinas Supra National) at Nicole Cordoves (Bb Pilipinas Grand International), namigay ng school supplies at pagkain sa 200 mga kabataang kapos-palad sa Balut, Tondo Manila ang 2016 Miss Universe Philippines na si Maxine Medina. Bahagi ito ng kanilang charity advocacy bilang titleholders.

Masayang ibinahagi ni Maxine ang kanyang di makakalimutang experience kasama ang mga kabataan sa Tondo. "Sobrang saya ko kasi first of all, ito ang advocacy ko talaga. And to give hope for these children and of course giving them education na rin."

Sa kanya namang training para sa 2016 Miss Universe Pageant, ibinahagi ni Maxine na ang kanyang communication skills ang bibigyan niya ng mas maraming oras sa training. "Ang focus ko ngayon is yung communication part kasi yun talaga ang bagay na ipinakita sa atin ni Pia (Wurtzbach) na kailangan ko i- absorb, hindi lang sa akin."

Nai-share pa ni Maxine na constant ang pag-uusap nila ni Miss Universe Pia Wurtzbach at nagbibigay daw ito lagi ng tips sa kanya sa sasalihang pageant. "We communicate—actually nag-uusap kami sa chat kung paano ang gagawin ko. Actually sabi niya sa akin ‘mag-relax ka muna. Gawin mo muna ang mga dapat mo gawin kasi winning this title andami opportunities na pwede magawa,’" pagtatapos ni Maxine.