• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy George sang the “War Song” which was a request by the singer’s avid fans.

Thirty minute power failure interrupts Boy George and Culture Club PH concert

Boy George sang the “War Song” which was a request by the singer’s avid fans.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/19/2016 10:39 AM
Thirty minute power failure interrupts Boy George and Culture Club PH concert
061916-george_main.jpgMarami ang nasabik sa first Philippine concert ng 80s icon at hit maker na si Boy George at ang Culture Club na naganap kagabi sa Araneta Coliseum.
 
Kahit di napuno ang venue, todo pa rin sa pagpe-perform ang grupo na kinanta ang hit song na "Church of Poisoned Mind" sa opening number.

 Matapos ang first song, Nagbigay agad ng opening greetings si Boy George na ikinatuwa ng kanyang Pinoy followers. 

"Hello! It’s good to be here in the Philippines!" pagbati ng singer. 

Second song naman ang 80s classic na "It’s A Miracle" na sinayawan ng audience na tumayo at naki kanta pa kay Boy George. Naka-apat na magkakasunod na kanta ang foreign group ng tumigil sila at mag announce na walang power supply ang kanilang set up sa stage. 

Naghintay ang lahat ng sampung minuto ng mag-announce si Boy George na ito na ang perfect time para mag change costume na siya. Tumagal pa ng halos 20 minutes ang gap at marami na ang pumapalakpak at nagre request na ituloy na ang show. 

Nang mai-restore na ang power sa stage, agad itinuloy ang all hits ni Boy George at pinerform na niya ang "Karma Chameleon,” “Do You Really Want to Hurt Me,” “Move Away,” at ang “War Song” na hindi kinakanta ng grupo pero dahil sa request ng Pinoy audience ay kinanta ito ni Boy George. 

Nagkaroon ang grupo ng tribute sa nagbigay sa kanila ng break na si David Bowie nang kinanta nila ang hit song nito na “Star Man.” Mataas na ang energy ng audience nang mag-paalam si Boy George at nag-thank you sa crowd.

 Walang umalis sa audience dahil normally ay bumabalik ang artist para muli kumanta ng isa hanggang dalawa pang kanta. Pero sa kaso ni Boy George ay di na siya bumalik sa stage. 

Maraming fans ang nagsabi na bitin ang concert at naghihintay na kantahin ang iba pang hits ng grupo gaya ng "Mistake Number Three" at "Love is Love" pero hindi na ito nangyari.