• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Herras prefers to keep his relationship with Wynwyn Marquez private.

Mark Herras admits Wynwyn Marquez rejected him three times

Mark Herras prefers to keep his relationship with Wynwyn Marquez private.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/19/2016 09:58 AM
Mark Herras admits Wynwyn Marquez rejected him three times
061916mark_main.jpgHindi naging madamot si Mark Herras sa pagbabahagi ng tungkol sa kanyang love life nang makausap namin siya sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay, bagong soap opera niya sa GMA-7.

“It’s been three years actually and ako talaga every time na meron akong… siyempre, I’m very open na pag-usapan yung present kasi siyempre, ayoko ng pag-usapan yung tapos na.

“Eh, ako naman, ayoko rin talaga na nagsisinungaling ako. Yung sa amin ni Wynwyn (Marquez), we’re just keeping it hindi naman sobrang public, kung napansin n’yo naman, hindi kami nagsasabi ng dates, hindi kami nagsasabi ng mga private things about each other. I mean, we’re just happy kasi marami ring natutuwa sa amin,” kuwento sa amin ni Mark.

Masaya rin ang actor na maraming natutuwa sa relasyon nila ni Wyn.

“Maraming positive na feedback sa aming dalawa and especially yung sa part ko di ba, kasi laging may mga sinasabing kung anu-ano tungkol sa akin, at least ngayon, mas more on positive talaga. Nakakatuwa.”

Ayon pa kay Mark, mas motivated siya ngayon na ayusin pa ang kanyang buhay dahil sa influence ni Wynwyn.

“Si Wyn lang naman yung nagpu-push sa akin lalo na sa magagandang na puwedeng gawin. Si Wyn talaga yung tumutulong sa akin.

“Dati talaga hindi ako motivated sa ganyan. Tapos si Wyn, inaayos niya ngayon na makabalik din ako sa pag-aaral. Baka mag-home study ako.

“Actually si Wyn, sobrang dami niyang gustong tapusin at i-accomplish na nagagawa niya talaga. Like ngayon, busy siya, inaayos yung business tapos July pasukan na niya. Nakakatuwa kasi yung ginagawa niyang maaayos na bagay sa buhay niya ay nahahawa ako, nadadamay ako which is maganda kasi masarap sa pakiramdam,” masayang pahayag ng Kapuso actor.

Naniniwala si Mark na nakatulong sa relasyon nila ni Wyn ngayon na nagsimula sila bilang friends.

“Yes, matagal na kaming magkaibigan, we have a group talaga, magkakilala na kami talaga. Pero siyempre, marami rin talaga akong inayos sa buhay ko. Kasi hindi naman dahil… well, isa nga si Wyn and pangalawa magti-thirty na ako this year, eh, so, di ba?

“Siyempre, ayoko rin naman na may masabi yung tao. Kasi pag tiningnan n’yo si Wyn, matalino, nakapagtapos and then ngayon nagma-masters pa siya, everything kasi with Wyn is parang perfect, di ba? So, ayoko naman na sabihin ng tao na hindi ako karapat-dapat kay Wyn kasi ganito ako, ganyan lang ako, di ba?” katwiran ni Mark.

Ipinagtapat din sa amin ni Mark na tatlong beses pala muna siyang binasted ni Wyn bago niya ito napasagot.

“Sipag at tiyaga lang, kasi once na nanliligaw ka sa isang tao and then binasted ka tapos sumuko ka parang sinasabi mo na hindi ka talaga karapat-dapat sagutin ng tao kasi naggi-give-up ka talaga so if you really like the person, if you are really sure na gusto mo siyang maging karelasyon at makabuo ng future together, bakit ka naman susuko basta-basta?

“Ako, naniwala ako na magkakaron ako ng chance kay Wyn, kasi siyempre, kung gusto mo talaga yung tao, hindi mo talaga papabayaan,” pagtatapat pa ni Mark.


Main photo credit to angelo_herras IG