• Home
  • Fresh Scoops
  • The young star reveals she was supposed to audition for Miss Saigon.

EXCLUSIVE: Janella Salvador wants to be a Broadway star

The young star reveals she was supposed to audition for Miss Saigon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2016 01:25 AM
EXCLUSIVE: Janella Salvador wants to be a Broadway star
092016-JanellaSalvador_PUSH.jpgGustong  maging Broadway star ni Janella  Salvador at pasukin ang theater pero hindi pa  niya nakikita na ngayon ang tamang panahon para gawin ito dahil sobrang busy pa niya sa TV. Si Janella ang lead actress sa primetime series na Born For You at ka-partner niya rito for the first time si Elmo Magalona.

“To be honest po, I was really… di ba nagkaroon po ng auditions dito ang Miss Saigon. I wanted to audition so bad talaga, dapat mag-a-audition po ako. Binigyan po ako ng day para mag-audition, pero na-extend yung Japan (taping) namin so hindi na ako nakapag-audition,” pag-amin niya sa Push.com.ph.

Dagdag pa niya, “Siguro it’s not meant for me yet  pero in the future, sana makapag-try out ako.”

Hindi lang daw sina Lea Salonga at sa mommy niyang si Jenine Desiderio na naging Kim din sa Miss Saigon ang dahilan kung bakit gusto niyang mapasama sa musical.

“Actually, gusto ko talaga ang story ng Miss Saigon. Not just because my mom was in it or Lea was in it. Nu’ng napanood ko siya sa London sobrang nagandahan ako sa story niya. Nag-stay siya sa akin.”

Kaya ba niyang magpaka-daring bilang Kim sa Miss Saigon?

“Siguro for the love of the craft kakayanin ko. Pero pag-iisipan ko pa, pero gusto ko po talaga sanang mag-audition nu’ng time na yon.

“Nu’ng hindi ako naka-audition, na-disappoint ako ng konti pero naisip ko na there are so many years pa to come na puwede akong mag-audtion. Hindi ko na lang mamadaliin. It’s not for me yet.

 “Siguro hindi pa ako ready or ano… baka mas magalingan ko pa next time,” katwiran pa niya.

Eh, kelan naman yung time na magiging ready na siya sa Broadway?

“Siguro pag nakuha ko na yung gusto ko. Pag mas comfortable na ako sa posisyon ko dito sa showbiz. Feeling ko, mas may ibubuga pa ako or may kaya pa akong maabot na higher level na ina-aspire ko talaga,” sagot niya.

Wala rin daw muna siyang time for love ngayon.

“Hindi muna. Mas focus muna ako sa work talaga. Pero if it comes, it will come din eventually. Pero hindi pa. Not yet,” pagtatapos  ni Janella.