Dahil aspiring singer at actress pa lang noon ang pinsan ng actor, medyo hirap pa ito sa buhay. Kaliwa’t kanang raket din ang pinapatulan nito para magkapera. Nag-movies, nag-recording na hindi naman nag-hit dahil di nai-promote nang maayos pero kahit pa ganun ang nangyari, non-stop sa paggawa ng paraan para mabuhay ang singer-actress.
Fast forward tayo ng istorya. Nagkaroon ng anak ang singer-actress na sikat na sikat ngayon. Biglang buhay donya na siya at di inakalang magkakaroon pa ng second chance sa showbiz.
Tinanong namin ang pinsan niyang actor kung naaalala pa ba siya ng singer-actress at inaambunan ng biyayang meron siya ngayon. Sagot niya, “hindi siya nakakalimot. Lagi niya akong naaalala. Galante siya sa aming mga pinsan niya na nakasama niya nung panahong walang-wala pa siya.”
Wow naman. How nice of her. Kaya naman pala patuloy siyang pinagpapala ng Diyos kasi malaki talaga ang puso niya, huh. Keep it up, girl!