• Home
  • Fresh Scoops
  • Ima Castro admits fans quickly forget stars who have been away from the local scene.

EXCLUSIVE: Ima Castro restarts her singing career in the Philippines

Ima Castro admits fans quickly forget stars who have been away from the local scene.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/18/2016 10:10 AM
EXCLUSIVE: Ima Castro restarts her singing career in the Philippines
061816-ima_push.jpgProdukto ng amateur singing contest noon si Ima Castro bago na-penetrate ang theater at naging Kim sa musical play sa London na Miss Saigon.

“Ang sinimulan ko, kaya ako na-discover ng Polycosmic Records ay nanalo ako sa isang national singing competition na Panasonic Quest for the Best at isa sa mga premyo don ay contract sa kanila, sa Polycosmic nga.

“Maliit lang ang premyo noon. Ang pinakaimportante do’n ay meron akong karaoke, may Panasonic karaoke ako. Alam n’yo naman, nu’ng ‘90s na yon nagsimula ang karaoke na yan,” kuwento niya sa Push.com.ph.

Maraming trophies din daw ang nakolekta niya noon dahil sa mga sinalihan niyang singing contest.

“Siguro mga nasa 175 ang trophies ko. Dinisplay talaga yon ng daddy ko. Siya yung matiyagang nagku-compile ng mga clippings pag lumalabas ako sa dyaryo. Tapos yung videos ko naka-file talaga, nasa archive. Nakakatuwa, hanggang ngayon nando’n.”

Eh, paano ba siya napunta sa theater?

“Walang kaalam-alam ang manager ko noon na si Tito Boy Abunda na nag-audition ako sa Miss Saigon. Nung madinig ko na dadalhin dito ang Miss Saigon, nagpunta ako on my own, talagang nilakasan ko ang loob ko.

“And luckily, nakapasok, nagustuhan ako as part of the chorus of the ensemble. And then, nung nakapasok na ako doon naman ako inoobserbahan kung kaya kung maging lead, maging Kim. Don na nagsimula.

“Actually, dini-discourage pa nga ako ni Tito Boy noon na umalis dahil yung career ko ay nagpi-pick-up na. Eh, that time naman sa ko naman napagdesisyunan na gusto kong gawin yon (Miss Saigon) kasi a chance of a lifetime naman yon,” masayang pagre-recall ni Ima.

May boyfriend ngayon si Ima at dalawang taon na sila pero wala pa rin siyang anak.

“Wala, eh. Sadly wala pa. Nagta-try. Hopefully, hindi pa huli ang lahat at magkaroon pa ako ng tsikiting (anak). I’m hoping na magkaroon pa rin ako ng anak,” wish niya.

Balik na rin sa recording scene si Ima. Ka-duet siya ni Lloyd Umali sa kantang “Muli.” Unang nag-duet sina Lloyd at Ima sa kantang “Nanliligaw/Naliligaw” noong 1993.

Nahirapan ba siyang makabalik sa showbiz?

“Mahirap, kasi ang mga fans madaling makalimot, eh, pag wala ka sa limelight. Eh, 12 years akong nawala, nasa UK ako for Saigon nga, for 12 years, so para kaming back to square one.

“Pero do’n ko nare-realize na yung pinaghirapan namin before ay nagpe-pay-off dahil kahit papaano, kilala na rin naman kami, kahit papaano, na-establish namin yung pangalan namin. Malaking pasasalamat ko sa lahat ng mga taong na-meet ko along the way at sa pagbalik ko, sila pa rin yung nandiyan,” sabi pa ulit ni Ima.

Main photo credit to the owner