• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy George and the Culture Club will be performing for the first time in Manila on Saturday, June 18.

Boy George promises to sing his famous hits in Manila concert

Boy George and the Culture Club will be performing for the first time in Manila on Saturday, June 18.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/17/2016 02:30 PM
Boy George promises to sing his famous hits in Manila concert
061716-boygeorge_main.jpgKung naging mailap sa media sa kanyang unang araw sa Manila, kabaligtaran naman nito ang ipinakita ng 80s icon na si Boy George kasama ang Culture Club sa isang social media conference para sa kanilang concert na magaganap ngayong Sabado, June18 sa Araneta Coliseum. 

Nagpaliwanag si Boy George at humingi ng paumanhin. 

"I’m a Gemini and it’s so British of me. So if there’s people that I’m not expecting, I’m not the best, I’m not very approachable. I’m like the Queen, I have to wear so many hats, my life must be organized and planned." 
Bilang isa sa mga sikat na gay icons, nagbigay din siya ng reaksyon sa Orlando shooting incident. 

"I think my sentiments are the same with a lot of people, I’m sad about it. I tweeted about it immediately. It made people kinda aware." 

Bumawi nga sa pagtitipon si Boy George sa media. Madaldal ito at surprise na nagpalit ng outfit sa kalagitnaan ng press con. Dito niya naibahagi na hindi siya brand concious pagdating sa kanyang isinusuot. 

"I’m not a fashion person. I’m not to the most parts like wearing money to the most parts fashion... It’s more about style." 

Nag-promise si Boy George at ang Culture Club na magiging sulit ang kanilang unang Manila concert at maririnig ang kanilang 80s hits na inaabangan ng kanilang fans tulad ng “Do You Really Want to Hurt Me” at “Karma Chameleon.”