• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic del Rosario speaks up on Sarah Geronimo’s rumored pregnancy

Vic del Rosario speaks up on Sarah Geronimo’s rumored pregnancy

Vic del Rosario says Sarah Geronimo will most likely retire after she gets married.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/16/2016 9:54 AM
Vic del Rosario speaks up on Sarah Geronimo’s rumored pregnancy


061616-sarah_main.jpgNakorner ng ilang entertainment press ang boss ng Viva at manager ni Sarah Geronimo na si Vic del Rosario sa press presentation ng Miss Manila 2016 sa Diamond Hotel kaya agad naming kinuha ang kanyang reaksyon sa kumakalat na tsismis na buntis si Sarah.

“Hindi buntis si Sarah! Paano mabubuntis ‘yon, eh, virgin pa ‘yon!” paglilinaw agad ni Boss Vic sa isyu.

“Virgin Mary, ganoon. Immaculate? Hindi, di ba? Paano mabubuntis ang virgin? Maniwala kayo!” giit pa niya.

May mga naka-line-up na shows din daw si Sarah sa ABS-CBN at sigurado naman daw na sasabihin sa kanya ni Sarah kung totoong buntis nga ito.

“May regular siyang show, ASAP. Gagawa siya ng concert. Pinag-aaralan niya ‘yung show na offer ng Channel 2, meron. Bagong reality show. Host siya.

“Pero hindi pa niya… pini-present pa lang,” kuwento pa ni Boss Vic sa amin.

Eh, bakit lumutang din ang balita na gustong mag-aral ni Sarah sa ibang bansa?

“Well, may two months break siya, July and August. Kasi matagal na naman siyang walang pahinga eh.

“Ano lang. Not as hectic as before pero lahat ng commercials ginagawa niya. May hinahandang pelikula,” katwiran pa niya.

Payag na ba siyang mag-asawa na ang Popstar Princess?

“Siyempre, hindi ko maku-control ‘yon. Pero sa tingin ko, hindi pa siya mag-aasawa. Magtu-twenty-eight pa lang siya. Baka hindi pa siya ready,” sabi pa niya.

“I mean, naghahanda pa lang siya. Kasi may mga commitment. Kasi pag nag-asawa siya, malamang mag-retire. ‘Yung iba kasi, pag nag-asawa, tuloy pa rin,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa pagkakakilala niya kay Sarah, baka raw mag-stop na itong magtrabaho kapag nagpakasal na.

“Si Sarah, ang plano niya sa buhay niya, even if mag-asawa siya, ayaw na rin niyang mag-work. Tingin ko lang. Tingin ko naman ‘yun ang dapat. Para ‘yung family life mo, tahimik na.

“Anyway, since she was four (years old), nagwu-work na siya eh. Been singing. Baka pakanta-kanta na lang pag may special occasions,” sambit pa niya.

Samantala, present din sa press presentation ng Miss Manila 2016 si Mayor Erap, MARE Foundation Chairperson Jackie Ejercito at Vic del Rosario, Jr. Ang mananalong candidate ay mag-uuwi ng P500,000.00 at Viva contract.

Gaganapin ang koronasyon sa Hunyo 24 sa Philippine International Convention Center (PICC), 7 p.m.