• Home
  • Fresh Scoops
  • Oyo Sotto also says they appreciate Pauleen Luna’s efforts to strengthen family bonds.

Oyo Sotto reveals he and Kristine Hermosa are expecting a baby boy

Oyo Sotto also says they appreciate Pauleen Luna’s efforts to strengthen family bonds.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/17/2016 07:48 AM
Oyo Sotto reveals he and Kristine Hermosa are expecting a baby boy
061716-oyo_main.jpgBuntis na naman ang asawa ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa. Pang-fourth child na nila ito kasama ang kanilang adopted son.

Ayon kay Oyo, gustong magkaroon ng kapatid na babae ng kanilang only daughter. Kaya lang, lalaki ang kanilang magiging baby ni Kristine.

“Siya ‘yung laging gumaganoon (humihimas) sa tiyan ni Tin. ‘Hi, baby sister! I love you,’” kuwento pa niya.

Eh, ano ang naging reaksyon ng anak nila nang malamang boy ang nasa tiyan ni Kristine?

“Nu’ng nalaman niyang boy, nalungkot siya. For a while, sabi namin, ‘We came from the hospital and we found out that it was a boy.’ Sabi niya, ‘What?’ It’s a boy. Is it okay?’ Ngumiti pero alam naming deep inside, gusto niya baby sister para may kasama siya sa kuwarto.

“Gusto talaga namin siyang mapasaya kaya sumubok ulit kami ng isa para maging girl, pero boy ulit, eh,” natatawang kuwento ni Oyo.

Nang tanungin si Oyo kung kumusta naman ang pagiging buhay may-asawa ng daddy niyang si Vic Sotto, sabi niya, “Yun nga, ngayon lang uli nag-asawa si Daddy, never naman siyang nag-asawa sa buong buhay namin.

“Siguro yung malaking pagbabago, I see that he’s very happy. He’s very content. Wala na siyang hihilingin pa para sa kanya.

“Kumbaga, nandiyan lang kami, ‘yung mga apo niya para sa kanya, lalung-lalo na si Pauleen. I see that she’s really taking care of my dad. Nandoon yung effort eh, nakakatuwa,” sey pa niya.

Sobrang na-appreciate din daw niya ang ginagawa ni Pauleen kumustahin sila at makipag-bonding once in a while.

“There’s really an effort (from Pauleen) ‘Hoy, dinner tayo.’ So parang may time na halos every week nagdi-dinner kami sa labas. So ‘pag nawawalan ng dinner, ‘Ano wala ba tayong dinner diyan?’ So parang hinahanap na namin.

“Sa amin hindi naman kami humihiling nang sobra-sobra kay Daddy. Kumbaga, we don’t expect too much from him and Pauleen but ‘yung simple gesture na mag-dinner tayo, tawanan, kuwentuhan, malaking bagay sa amin yon eh.

“’Yung bonding na ‘yon, nagkakausap kami, malaking bagay ‘yon. Sa akin, the greatest memories are built on the table talaga. Doon mabubuo ang memories talaga,” sabi pa ni Oyo.